@gma_publicaffairs: PALASYO, GINAGALANG ANG PAGLALABAS NG ARREST WARRANT LABAN KAY VP SARA DUTERTE Iginagalang ng Malacañang ang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court na maglabas ng warrant of arrest laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng kasong grave threats. Ang nasabing kaso ay nag-ugat sa umano'y pag-aambang pagpatay ng Bise Presidente kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez. #GMAPublicAffairs