@duchmaws: Sobrang pasasalamat sa Panginoon at sa Simbahan! Minsan sa buhay nagkakaroon ako ng "spiritual dryness" o pagkawalang gana sa ating pananampalataya dahil sa mga dinanas sa buhay, pero ang lahat nang iyon ay nagkaroon ng kahulugan nang ako'y maging aktibo sa simbahan sa hindi inaasahang panahon at nagkaroon ng panibagong pamilya at mga kaibigan sa iisang pananampalatayang Katoliko. Kaya sa mga kabataan diyan, kung kayo ay tinatawag ng Panginoon na maglingkod sa Kanya, tumugon kayo nang walang pagaalinlangan. Hinding hindi ninyo pagsisisihan na maging parte ng Simbahan. #simbahan #sakristan #altarserver #fyp #catholic