gelica.nts :
@.:ba’t ganon mhie? ginawa naman namin lahat mhie diba? pinaglaban namin kayo, minahal namin kayo nang todo bilang isang loveteam. sa bawat interaction, bawat maliit na moment, bawat tingin, bawat ngiti, nandun kami. sinamahan namin kayo mula sa mga panahong konti pa lang ang nakakapansin hanggang sa dumami na kami at sabay-sabay kayong sinuportahan. hindi lang naman basta loveteam ang “KOSHELLEINE” para sa amin. kayo ’yung loveteam na naging parte na ng araw-araw namin. kayo ’yung inaabangan namin pagkatapos ng school, kayo ’yung pinag-uusapan namin sa group chats, at kayo ’yung dahilan kung bakit may mga araw na bigla kaming napapangiti kahit pagod na pagod kami. sa simpleng pag ti-tiktok or pag co-content nyo, buong-buo na ang araw namin. kaya ang sakit para sa aming mga fans. sobrang sakit makita kung paano unti-unting nagbabago ang lahat. kasi bilang fans, hindi nyo siguro alam kung gaano karaming tao ang kumapit sa inyo. hindi nyo alam kung ilang beses naming sinabi na, “hintayin lang natin, baka may moment ulit.” ilang beses naming pinagtanggol ang loveteam nyo. hindi namin kayo minahal dahil lang sa kilig. minahal namin ’yung story na nabuo sa pagitan nyo. ’yung chemistry na nakita namin. ’yung mga simpleng bagay na naging espesyal dahil kayo ang gumagawa. at siguro, ito ’yung pinakamahirap tanggapin na para sa amin, ang laki ng naging parte nyo sa buhay namin, pero baka para sa inyo, isa lang pala itong chapterh na pwedeng matapos. ang dami-dami naming memories na kayo ang kasama kahit hindi nyo kami kilala personally. may mga taong naging friends namin dahil sa inyo. may mga taong nagkaroon ng happy moments dahil sa inyo. may mga taong nakahanap ng comfort sa loveteam nyo. may mga taong araw-araw kayong sinusubaybayan dahil kahit saglit lang, napapasaya nyo sila. kaya kapag sinasabi ng iba na, “loveteam lang naman ’yan,” hindi nila maiintindihan. oo, loveteam lang kayo. pero hindi “lang” ang memories na nabuo namin dahil sa inyo. hindi “lang” ang saya. hindi “lang” ang mgataong nakilala namin. hindi “lang” ang mga araw na naging mas magaan dahil may koshelleine kaming hinihintay. kaya ngayon, pano naman kami, mhie bakit ganu
2026-09-06 10:01:17