@marktanongofficial: Sa Senate impeachment trial, tinanong ang dating OVP Special Disbursing Officer na si Gina Acosta kung sino ang nag-utos na ibigay ang 125 milyong pisong confidential funds kay Col. Lachica. Ang sagot niya: si VP Sara Duterte. Ngayong linggo, kinumpirma ng prosecution na hindi na nila ihaharap sina Lachica, Nolasco, at Madriaga bilang testigo - sapat na raw ang naunang ebidensya. Hinamon naman ng depensa ang paraan ng pag-anunsyo nito. Sapat na nga ba, o kulang pa rin? #MarkTanong #SaraDuterte #ImpeachmentTrial #PHNews