@angbalitangayonfb: RIDON, NAGREREKLAMO KUNG BAKIT WALA ANIYANG MUGSHOT ANG PANGALAWANG PANGULO; KAMPO NI VP SARA: NAGSUMITE SIYA NG SARILING LITRATO Kinuwestiyon ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon kung bakit walang official mugshot si Vice President Sara Duterte matapos itong humarap sa Quezon City RTC at magpiyansa sa tatlong counts ng grave threats. “Kapag ordinaryong akusado ang sumasailalim sa booking process, may mugshot. Pero kapag Pangalawang Pangulo ang akusado, biglang walang mugshot.” Ayon kay Ridon, kung may legal na basehan para sa exemption ay dapat umano itong ipaliwanag; kung wala, maaari itong maituring na “special treatment.” Gayunman, nilinaw ng kampo ni VP Sara na kusang humarap sa korte ang Bise Presidente at hindi siya inaresto ng pulisya, kaya hindi na umano kailangan ang police mugshot. Sa halip, nagsumite si Duterte sa korte ng sarili niyang mga larawan mula sa harap, kaliwa at kanang profile, at kinuha rin ang kanyang fingerprints bilang bahagi ng booking requirements. “She went through the same process as any accused individual. There was no special treatment,” ayon kay Atty. Paul Lawrence Lim. Batay din sa minimum requirements ng Office of the Court Administrator para sa cash bail, kabilang sa kailangang isumite ang mga litrato ng akusado mula sa harap at magkabilang profile, pati fingerprints. Nakapagpiyansa si VP Sara ng ₱360,000 para sa tatlong kaso, dahilan upang ma-lift ang arrest warrant laban sa kanya.

Ang Balita Ngayon
Ang Balita Ngayon
Open In TikTok:
Region: PH
Saturday 05 September 2026 09:30:53 GMT
12778
97
69
7

Music

Download

Comments

m3ow_m30w30
W3L_j0d@Fr0π :
32milion voted for her. respect the Filipino people
2026-09-05 10:14:02
18
rjdelosreyes103
RJDEE :
si ridon kaya kelan mag kakaron ng mugshot?
2026-09-05 10:29:21
11
arnel.boridas1
itsme :
subrang galit nito kay VP,, bakit kaya???
2026-09-05 10:34:04
4
sangjae.park4
sangjae park :
Wag ka mag alala ridon makaka mugshot ka sa 2028😂
2026-09-05 10:08:11
6
cherryvee_03
meenah :
sa totoo lng hindi nga siya dapat ksuhan my impeacment proceeding na
2026-09-05 10:22:56
3
benty1129
botxx :
don't worry mabibigyan ka nyan s 2028
2026-09-05 10:46:42
2
diskart.21
John :
unfair
2026-09-05 10:41:17
0
jedanea
♉ :
Don't worry lahat kayo mabibigyan ng mugshot ni vp sara sa 2028🤣.
2026-09-05 11:58:28
0
aybemmk
Yumeko :
hindi tlga nirerespect c vpsara. buti pa c prrd. kht ganun c leni saknya nun d nya binabastos
2026-09-05 11:14:23
2
renan.morcoso
Renan Morcoso :
🤣😂 Yan talaga Ang Plano nyo.. pero dinagtagimpay hahahaha
2026-09-05 10:44:53
1
princessdablo15
JHAIME :
😂🤣😂 so what
2026-09-05 10:21:58
0
camz4064
Azrael :
😂😂 wla pakiusapan sa 2028 ah, kpag bglang wlang eleksyon sa year na yan alam na this. hahaha
2026-09-05 11:59:17
0
davetristanespolo
davetristanespolo :
antayin mo sau sa 2028😂😂
2026-09-05 11:45:04
0
lakayoscar.83
ًMy boss❤️jean❤️ :
e d pagalitan niyo c jonvic,hawak niya ang kapulisan,at mismong pnp ang nagsabi na dna kaylangan😂😁
2026-09-05 11:58:14
0
maybehopefully
MELVIN🍀 :
hahaha mugshot naman pala ang habol. 😁
2026-09-05 11:33:28
0
user578698198451
user578698198451 :
Hihintayin namin lahat ang araw na yon 😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂
2026-09-05 12:02:38
0
joooooeeeyyyy
Joey Albert San Diego :
2026-09-05 10:15:29
0
krisuy05
Kris uy🌸 :
2026-09-05 10:07:50
0
moctadirzz
moctadir🪐🪐 :
kc galit n galit yan kc alam nya makukulong sya pg vo sara na ang presedente
2026-09-05 11:08:02
0
baisasaripada
Baisa Saripada :
vp ngani sya...
2026-09-05 10:41:54
0
joner7776
joner :
🤣😂😅
2026-09-05 10:11:38
0
lucypearl802
LucyPearl😈 :
Bagay talaga maging president of the Philippines c inday kasi di kayang bayaran at kontrolin may presinpyo para sa bayan
2026-09-05 10:26:05
0
annepuno77
Niño Jr :
kasuhan mo ang korte para masagot ang tanong mo
2026-09-05 11:09:01
1
To see more videos from user @angbalitangayonfb, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About