@_tuynoi: The beklamation question in miss q&a a while ago is very personal to me. The question is "Sasama ba ang loob mo sa mga magulang mo kapag hindi kanila mabigyan ng magandang buhay?" and my answer is.... Oo, sasama ang loob ko sa aking mga magulang. Sasama ang loob ko dahil iniwan nila ako noong sanggol pa lamang ako, ipinagkait hindi lamang ang magandang buhay kundi pati ang pagmamahal, pag-aaruga at presensya na karapatan ko sana mula pa sa simula. Hindi ko sila pinagkaitan— sila ang nagkulang at tumalikod sa kanilang responsibilidad. Tama at makatarungan ang sakit at sama ng loob ko, dahil hindi lang yaman ang nawala— kundi ang pagmamahal na hindi kailanman mapapalitan ng kahit ano. And I thank you! ayy hindi pala ako kasali HAHAHAHAHAHAHAHA #thoughts #xyzbca #fyp #foryou

_aisha☾
_aisha☾
Open In TikTok:
Region: PH
Saturday 05 September 2026 10:10:54 GMT
339240
47338
233
2703

Music

Download

Comments

jackfrost_124
Jack Frost :
Naahhhh depends on the situation masyado one sided sagot ni Vice lol
2026-09-06 04:44:38
2
urboi.meroo
Mert👾 :
Toxic Filipino mindset: “Wala kang utang na loob” “Dinala kita ng syam na buwan/pinakain at pinalaki kita at ikaw ang may ganang sumama ang loob”
2026-09-05 12:39:30
1949
crytalcutie
Crystal 💕 :
eto reason bat ayoko mag kaanak eh kase hindi pa magaan buhay ko
2026-09-05 12:34:38
987
arch1ve67
hidden :
and its a discussion everyone is not ready to hear.
2026-09-06 04:06:41
41
_tuynoi
_aisha☾ :
ayon, dito ko tuloy na labas yung sama ng loob ko HAHAHAHA
2026-09-05 10:14:06
195
jella_amador
Scarlet :
As a panganay, I agree!
2026-09-06 00:47:58
282
abel.javier7
Abel Javier :
I hate my dad 😚🤗
2026-09-06 00:52:51
1
liraoscar94
Lira :
Ganyan dapat mindset ng mga modern gen na parents… sa hirap ng buhay na meron ngayon 👌🏽
2026-09-05 12:32:04
144
raymartcarmona
marky15 :
Louder Vice!!Strongly Agree🥰
2026-09-05 23:39:25
1
marics080399
marics :
Depende sa situation. If growing up my parents have all the privilege or opportunities around them, sasama talaga loob ko kasi sinayang nila lahat na meron sila. However, if walang-wala talaga, tapos ginawa nila yung best nila for me, hindi sasama ang loob. I’ll make sure to be successful para sa kanila
2026-09-05 20:27:34
78
eiji_13
Eijiro :
nasabi lahat ni vice yung gusto ko sabihin nung una ko palang narinig yung tanong
2026-09-05 16:51:39
58
rjjjqj
Quinn :
I feel you Mimi
2026-09-05 12:31:26
1
achie5674
ana_chloe :
narinig ko rin yan sa magulang ko na wala kayong utang n loob... anak ko lang kayo... pinag aral ko n kayo... nah... sinabi ko bang isilang nyo ko...
2026-09-05 13:54:31
28
zep_vicey
RhiannaVG :
so true,in case that is reality ganyan talaga yung mararamdaman ko or si meme:<
2026-09-05 10:27:43
35
unknown1_625
mel. :
I hate my dad
2026-09-05 23:03:55
8
cherryblu885
🌵 cherrycakes🌼🇰🇼🇵🇭 :
Akala ko Ako lng ung nakakaramdam ng ganito, normal lng Pala maramdaman
2026-09-05 12:53:55
13
achie5674
ana_chloe :
minsan nasabi ko sa parents ko pero pajoke na sana ako lng an ngiisa nilang anak. ramdam na ramdam ko kase un hndi nila ako paborito kahit ako un panganay pero hndi ako galit sa knila.
2026-09-05 13:50:21
6
michelle.frias388
Michelle Frias :
Eto ang dahilan kaya hangang ngayon wala pa ako anak dahil ang gusto ko ay handa at mayroon na ako maibibigay na magandang buhay sa magiging anak ko.
2026-09-05 19:40:58
5
chenyi0_0
chenyi :
I’m very thankful for my mom kasi nung pinanganak niya ako, she made sure na magkaroon ako ng maganda at disenteng buhay. I had it all. But something happened and naghiwalay yung parents ko. Despite that, my mom always makes sure na nabibigay niya lahat ng gusto ko kahit single parent lang siya. To the point na hindi ko nafifeel na naghihirap kami. Kapag may hinihiling ako, she would always say, “Ano ako, tumatae ng pera?” 😂 But the next day, andiyan na agad yung gusto kong gamit. I love you mama
2026-09-05 16:52:27
20
_tuynoi
_aisha☾ :
+at isa sa mga dahilan kung bakit masama ang loob ko sa aking mga magulang ay.... Ang pagmamahal na dapat ay galing sa kanila— sa iba ko pa nakukuha:)
2026-09-05 14:42:15
7
fearlessgreengem
FearlessGreenGem :
Paano pag hindi na nga binigyan ng magandang buhay tas iniwan pa? 🥺
2026-09-05 17:06:16
5
hare87751
🍄 :
Ako na iniwan ng both parents, I'm struggling now, I don't where I'm heading. Parang ako naging parents sa sarili ko pati sa mga kapatid ko. Kaya ko to hahahha....
2026-09-06 04:48:07
2
shaddo24
SHADOW😎 :
Hindi na balance ang buhay pag lahat mayaman
2026-09-06 04:38:49
1
To see more videos from user @_tuynoi, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About