@jelinitaly: Eto yung trending na trending sa internet. For me, mali talaga yung ginawa nung mga Pinoy. I understand na sa Filipino culture, normal yung pang-aasar and minsan biro lang talaga. Pero may difference between friendly teasing and making someone feel embarrassed or uncomfortable—especially kung hindi mo naman close yung tao. 5 lessons Filipino travelers can learn 1. Huwag nating hilahin pababa ang kapwa Pinoy. 🇵🇭 Kung may nakita kang Pinoy na masayang nagta-travel, nagpo-picture, or feeling model sa magandang lugar, let them enjoy it. Hindi naman nababawasan ang happiness mo dahil masaya sila. 2. Matutong respetuhin kung paano nag-e-enjoy ang ibang tao. Kung gusto nilang mag-picture nang maraming beses, mag-pose, or gumawa ng content, that’s their business. Hindi kailangan lahat ng ginagawa ng ibang tao pasok sa taste natin. 3. Hindi lahat ng “joke lang” okay. Very common sa atin yung sarcasm—“Wow, fashion model!”—pero depende sa context at delivery. Kung obvious na pinapahiya mo na yung tao, hindi na siya simpleng joke. Lalo nat yung delivery ng pagkakasabi pambub*lly naman talaga!. 4. Kapag nasa ibang bansa, mas magandang magpakita tayo ng respeto. We’re all representing ourselves, pero at the same time, magandang image rin ng Filipinos kapag nakikita nating marunong tayong rumespeto at mag-support sa kapwa natin. Lalo na abroad, instead na kapwa Pinoy pa ang mang-down sa’yo, dapat sila pa yung unang makakaintindi. Marami kasi sa ating mga pinoy na kapag mataggal na sa abroad ang lakas mang mata sa kapwa pinoy. Aminin niyo marami kayong kilala na ganito. 5. Huwag gawing outlet ang insecurity or inggit. Sometimes, people make fun of others kapag tingin nila “OA naman,” “feeling model,” “papansin.” Pero honestly, confidence ng ibang tao shouldn’t bother us. Let them have their moment. Huwag dalhin ang hindi magandang asal sa loob ng bahay papunta sa labas. Ganun lang. At the end of the day, simple lang naman: “Kung masaya sila, hayaan mo. Hindi naman ikaw ang gumagastos para sa pictures at travel nila.” Diba?😂 And honestly, mas magandang Pinoy trait yung marunong magsaya para sa ibang tao kaysa yung kailangan nating pagtawanan sila para lang makaramdam tayo na mas superior tayo.
Jel n’ Italy
Region: FR
Saturday 05 September 2026 17:43:51 GMT
Music
Download
Comments
There are no more comments for this video.
To see more videos from user @jelinitaly, please go to the Tikwm
homepage.