ishiro? :
It honestly feels unfair kasi ikaw naman yung unang pumasok sa buhay ko. Hindi naman kita hinanap, hindi ako yung naghanap ng someone. Ikaw yung lumapit, nag initiate, at unang nagparamdam na may something, na may meaning lahat ng ginagawa mo. You made it feel real, like hindi lang siya temporary. Hindi ko naman hinahanap yung ganito, pero somehow, naging parte ka ng everyday life ko. Habang tumatagal, nasanay ako sa’yo, sa presence mo, sa messages mo, sa way mo makipag usap sa’kin, at sa paraan kung paano mo ako tratuhin. You made me feel seen, na importante ako, na ako yung gusto mo at ako yung pipiliin mo. Kaya ang sakit isipin ngayon na baka hindi mo naman talaga ako minahal the way I thought you did. Baka minahal mo lang yung feeling na may taong laging nandiyan para sa’yo, yung care ko, attention ko, pag intindi ko, at assurance na kahit anong mangyari, may taong hindi basta aalis. Kasi nung dumating yung part na kailangan mo namang piliin ako at panindigan kung anong meron tayo, doon ka hindi naging sure. Hindi ako manhid. Napapansin ko lahat, kahit yung maliliit na pagbabago sa’yo, yung unti unting paglayo, pagiging inconsistent mo, at yung mga araw na parang nandiyan ka pero hindi ka naman talaga present. Alam ko kung sino yung mas nag eeffort, kung sino yung mas may pakialam, at kung sino yung mas takot mawala yung isa. Alam ko rin na kinakausap mo lang ako kapag gusto mo, kapag okay ka, kapag masaya ka o kapag convenient para sayo. Pero kahit sa lowest mo, willing akong intindihin ka. Kahit hindi ka okay, gusto kong maramdaman mo na hindi mo kailangang harapin lahat mag isa. I was ready to stay, not only during your good days, but especially during the worst ones. Ramdam ko kapag nag iiba yung trato mo. Ramdam ko kapag hindi ka na sigurado. Kahit wala kang sabihin, naiintindihan ko na kung ano yung unti unting nangyayari sa atin. I’m not stupid. Alam ko kung kailan ako hindi na pinipili. Alam ko kung kailan ako kailangan lang Ang masakit lang, kahit nakikita ko na lahat, pinili ko pa ring manatili pinili kitang intindihin kahit ako yung hindi naiintindihan, pinili kitang bigyan ng chance kahit paulit ulit akong nasasaktan at pinili ko dahil mahal kita
2026-09-10 07:29:57