@gmanews: TINAWAG NA 'MAASIM' KAYA PINUKPOK SA ULO? PANOORIN: Sugatan ang isang 18-anyos na LGBTQIA+ community member matapos siyang pukpukin ng bato sa ulo sa isang bar sa Tanay, Rizal. Aminado ang suspek na nagalit siya sa biktima dahil tinawag siya nitong "maasim." Itinanggi naman umano ng biktima na tinawag niyang maasim ang suspek. Mahaharap ang suspek sa reklamong frustrated homicide. | via Gabriel Gonzales/GMA News Bisitahin ang www.gmanetwork.com/news para sa pinakabagong balita.