@balitaphl: Nakataas ang “State of Calamity” sa Butuan City dahil sa “severe water supply disruption” na resulta ng “extreme dry spell,” batay sa anunsyong inilahad ng Butuan City PIO Facebook page noong Sabado, Setyembre 5. Sa isang Facebook post na ibinahagi ng Butuan PIO, inilahad nilang aabot sa 58 barangay o higit 269,000 katao ang apektado ng pagkaantala sa suplay ng tubig sa lugar. Anila, ang ilang mga lugar ay may limitadong water availability—ngunit ang ilan ay may low pressure ng tubig o halos wala talagang tubig. Anang opisina, ang pagkaantala sa suplay ng tubig ay may kaugnayan sa kasalukuyang dry spell na nararanasan ng lalawigan ng Agusan del Norte, kabilang na ang Butuan City, bunsod ng “low rainfall.” Mababasa rin sa ulat na ayon sa kumpirmasyon ng Department of Science and Technology - Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA), ay nasa ilalim na ng dry spell status ang probinsya mula pa noong Agosto 23, 2026. Ilan din sa priority measures na ikinakasa ng pamunuan ng nabanggit na lugar ay ang pag-install ng water tanks, procurement ng water tankers at water pumps; gayundin ang pagbili ng filtration equipment at paghahanap ng alternatibong pagkukunan ng tubig. Kaugnay nito, matatandaang isinailalim din ang Dinagat Islands kamakailan sa state of calamity, bunsod din ng severe water crisis na dala naman ng Super El Niño. #Balita #Butuan #StateofCalamity #Water #supply @Manila Bulletin
Balita
Region: PH
Monday 07 September 2026 11:45:00 GMT
Music
Download
Comments
Vivian Manglal Lan :
halaaa
2026-09-07 12:18:14
0
To see more videos from user @balitaphl, please go to the Tikwm
homepage.