@k5newsfmkalibo: 'VERY UNHYGIENIC & VERY SQUAMMY' Viral ang video ng isang lalaki na walang pakundangan na gumamit ng deodorant sa isang convenience store sa Dagupan, Pangasinan. Sa CCTV footage, kitang-kita ang isang lalaki na tila nagmamatyag bago biglang kinuha ang naka-display na mga deodorant at ipinahid sa kaniyang kili-kili. Ang ikinagulat pa ng ilan, nagawa pa niya itong ibalik sa kaniyang pinagkunan. Agad namang kinondena ng nasabing convenience store ang insidente at kababuyang ginawa ng lalaki. Ihinalintulad pa ang insidente sa kamakailang pangyayari kung saan dinilaan ng customer ang hotdog sa 7/11 bago ibinalik. “Using and tampering of product is a crime. Wala itong pinagkaiba sa tumikim ng hotdog sa 7/11 tapos ibinalik. Very unhygienic [and] very squammy,” saad sa isang Facebook post. Dahil sa insidente, ipinahayag ng convenience store na agad nilang kinuha ang ginamit na deodorant bago pa ito bilhin ng ibang customer. Video Courtesy: MyMart Everyday #viral #trending #reels