@memecarboncabale: ATTY. MICHAEL POA: “PROTEKTAHAN ANG BOSS, BASTA LEGAL” Iginiit ni Atty. Michael Poa na likas sa isang empleyado ang protektahan ang kanyang superior, ngunit dapat umano itong gawin sa legal na paraan at nasa saklaw ng kanyang kakayahan. Naging mainit din ang pagdinig habang humaharap si Poa bilang hostile witness sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Umabot sa pagtatalo ang mga abogado matapos siyang tawaging “abogadong walang alam,” na kalaunan ay ipinabura sa opisyal na record. Nag-invoke din si Poa ng attorney-client privilege sa ilang sensitibong tanong kaugnay ng confidential funds. #MichaelPoa #ImpeachmentTrial #VPSaraDuterte