@politeaph: PBBM: PILIPINAS, ISA SA PINAKAMABILIS UMUNLAD NA EDUCATION SYSTEM SA MUNDO Ipinagmalaki ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang pag-angat ng performance ng Pilipinas sa reading, mathematics at science, batay sa resulta ng Program for International Student Assessment (PISA). Ayon sa Pangulo, kabilang ang Pilipinas sa iilang education systems na nagpakita ng improvement sa lahat ng domain, partikular sa reading proficiency. Sinabi niyang patuloy na susuportahan ng administrasyon ang sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng pagtatayo ng classrooms, pagpapalawak ng internet access at pagbibigay ng computers, school supplies at learning materials. #PBBM