@gmanews: AMININ MO NAY, KINILIG KA! 🤭 Natuwa ang mga netizen sa video ni YouScooper Kuwaii Doofenshmirtz mula sa Bacoor, Cavite, na inaasar ang kaniyang lola na si Nanay Poren at tila hinahanapan ito ng boyfriend! Ang sigaw kasi ni YouScooper Kuwaii nang may dumaan na matandang lalaki, “Kuya, I love you daw, sabi ng Lola ko!” 79-anyos na si Nanay Poren at mahigit 35 years na itong biyuda. “True love” raw nito ang yumao niyang asawa at pawang katuwaan lang ng mga apo niya na tuksuhin siya na magka-boyfriend ulit. Biro ng isang netizen, “Strict siguro ang parents [niya.]” #YouScoop Courtesy: YouScooper Kuwaii Doofenshmirtz #GMANews