@pinoyweekly: TINGNAN | 'Wala kaming kaso pero dinadampot kami' Inaresto ng Taguig City Police si Jona Yang, paralegal at environmental advocate, kasama ang apat pang kapwa paralegal. Kasalukyang nasa Tuktukan Police Station ang lima matapos ng isang iglap-protesta sa labas ng Luzon Economic Corridor Investors Forum sa Grand Hyatt Hotel ngayong Huwebes, Set. 10. Dumagundong dito ang mahigit 50 katao upang tutulan ang pagpondo sa Pax Silica, bahagi ng Luzon Economic Corridor, na anila'y magdudulot ng matinding pinsala sa kalikasan at magpapalayas ng mahigit 20,000 katutubo. Kinundena naman ng grupong Karapatan ang pagdampot sa limang paralegal at paglabag sa karapatang magprotesta. 🎥 Michael Beltran/Pinoy Weekly #paxsilica #notopaxsilica #newclarkcity #luzoneconomiccorridor #LEC #investorsforum