@abantenews: 'KAPAG PERSONAL TRIPS, HINDI NAMAN KAILANGAN MAGPAALAM SA SENADO' Dinepensahan at nilinaw ni Senate President Sherwin Gatchalian ang pag-alis ng bansa kagabi ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, kasama ang kanyang kapatid na si Senadora Pia Cayetano, na nagtungo sa Singapore. Ayon kay Gatchalian, hindi nakapagpaalam sa kanya si Senador Alan Peter Cayetano bago ang pag-alis ng bansa. Huli aniyang nag-usap ang dalawa matapos ang sesyon sa plenaryo kahapon. Ipinaliwanag ni Gatchalian na hindi na kailangang magpaalam kay Senate President ang isang senador kung personal na biyahe o personal trip ang paglabas nito ng bansa, dahil wala aniyang ganitong requirement sa umiiral na polisiya. | via Jojo Sicat, Abante News