@raffytulfoinaction: Nagtungo sa Raffy Tulfo in Action (RTIA) ang Lalamove rider na si Michael John Pajerga, kasama ang kanyang kapatid na si Marvin Pajerga, upang ireklamo ang nag-book sa kanya noong July 23 na si Maria Lourdes Pasicolan dahil daw sa mga paninirang posts nito sa social media at pamimintang sa kanya bilang isang scammer. Kwento ni Michael, nakatanggap siya ng booking noong July 23 sa pickup location mula North Caloocan patungong Cainta, subalit nang makita niya raw ang eksaktong lugar ng pickup, nangamba umano siya para sa kanyang seguridad dahil delikado raw ang naturang area kaya minabuti niyang kanselahin ang booking. Alamin ang buong detalye ng kasong ito! #Tulfo #RaffyTulfo #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon