@doaibushoop18: MAIA Striped Set Salur - Setelan wanita salur #setelan #setelanwanita #tiktokshop

Doaibushoop18
Doaibushoop18
Open In TikTok:
Region: ID
Friday 11 September 2026 00:44:23 GMT
16
1
0
0

Music

Download

Comments

There are no more comments for this video.
To see more videos from user @doaibushoop18, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos

Isang simpleng panalangin lamang ang hiling ni Rovelyn Baterbonia para sa nalalapit na ika-100 araw na komemorasyon sa pagkamatay ng kaniyang anak na si Rene Clert “Bobet” Baterbonia. Sa Facebook post ni Rovelyn noong Sabado, Setyembre 5, sinabi niyang ayaw niyang magkaroon ng anumang “celebration” sa puntod ni Rene para sa ika-90 o ika-100 araw nito. Hiniling din niyang huwag nang magdala ng mga pagkain at iba pang bagay sa puntod, gaya ng lechon, pizza, balloons at iba pang maaaring ihanda para sa okasyon. Ayon sa ina, hindi pa niya kayang tanggapin ang ganitong uri ng pagdiriwang habang patuloy niyang hinaharap ang sakit ng pagkawala ng kaniyang anak. Sa halip na mga regalo o pagkain para sa paggunita, sinabi ni Rovelyn na mas makatutulong sa kaniya ang panalangin at anumang tulong na maaaring direktang ipaabot sa kaniya habang patuloy niyang ipinaglalaban ang kaso at hinahanap ang mga kasagutan sa pagkamatay ng anak. Si Rene ay isang promising young basketball player mula Talacogon, Agusan del Sur, na dating naglaro para sa Ateneo de Davao University bago naging bahagi ng Ateneo de Manila University Blue Eagles. Isa sa mga pinakamalaking tagumpay niya ay ang pagiging Most Valuable Player ng 2025 Palarong Pambansa boys’ basketball matapos pangunahan ang Davao Region sa pagkamit ng kampeonato. Malaki rin ang pangarap ni Rene para sa kaniyang pamilya. Ayon sa mga ulat, isa sa kaniyang mga hangarin ang magkaroon ng magandang kinabukasan at makatulong sa kaniyang mga kapatid. Bilang pagkilala sa kaniyang pangarap, inanunsyo ng Ateneo de Davao na bibigyan ng scholarship ang kanyang anim na kapatid. Ngunit biglang naputol ang kaniyang pangarap noong Hunyo 8, 2026, nang malunod siya kasama ang kaniyang teammate na si Nigerian student-athlete Divine Adili habang nagsasagawa ng team-building activity ang Ateneo Blue Eagles sa isang resort sa Dipaculao, Aurora. Batay sa post-mortem examination na binanggit ng Aurora Provincial Police, ang sanhi ng pagkamatay ni Rene ay “asphyxia by drowning.” Gayunman, nanatiling maraming tanong ang pamilya tungkol sa nangyari. Ilang ahensya ang nagsagawa ng imbestigasyon, habang nanawagan si Rovelyn ng hustisya at malinaw na paliwanag kaugnay ng pagkamatay ng kaniyang anak. Nailibing si Rene noong Hunyo 24 sa Talacogon, Agusan del Sur, kung saan libo-libong kababayan at tagasuporta ang nakiramay sa kaniyang pamilya. Sa paglapit ng ika-100 araw mula nang mawala si Rene, hindi engrandeng paggunita ang hinihingi ng kaniyang ina. Sa gitna ng kaniyang pagluluksa, panalangin, pag-unawa at hustisya raw ang nais niyang manaig, habang patuloy niyang hinaharap ang kaso at ang sakit ng pagkawala ng anak na minsang nangarap na maiangat ang kanilang pamilya. #Balita #ReneBaterbonia #RovelynBaterbonia @Manila Bulletin

About