@ichan_motovlog: FIRST TIME KONG BUMYAHE SA METRO MANILA. Bilang isang nilalang na takut na takot sa violation, nagtaka ako nung mapansin ko sa waze na magle-left turn na pero may "NO LEFT TURN SIGN" Mas lalo akong nagtaka nung napansin kong ang pinapatunguhan ng ibang sasakyan sa harap ko ay pakaliwa din at tila ba hindi nila alintana ang sign. Hindi ko tuloy mawari minsan, lalo na kung first time ko sa lugar, kung sa signages ba ako susunod o sa daloy na tinatahak ng ibang mga motorista. Pakibigyan liwanag naman po kami, lalo na sa aming baguhan lang sa kalye ng Kamaynilaan, pagdating sa ganitong mga kalakaran. Salamat. Ingat po tayo lagi sa byahe. #LTO #RoadSigns #RoadSafety #roadsafetyawareness #RoadAwareness