@grn_pinoy: Lumipat na sa 100% renewable energy ang Surigao Doctors’ Hospital Inc. sa Surigao City matapos makipagkasundo sa First Gen Corp. para sa suplay ng kuryente. Manggagaling ang kuryenteng gagamitin ng ospital sa 108-megawatt Mount Apo geothermal facility sa Kidapawan, North Cotabato. Ginawa ang kasunduan sa ilalim ng Green Energy Option Program (GEOP), na nagbibigay sa mga kwalipikadong consumer ng pagkakataong pumili ng renewable energy supplier. Bukod sa pagtulong na mapababa ang gastos sa kuryente, layunin din ng ospital na magkaroon ng tuloy-tuloy na suplay para sa mga kagamitang kailangan sa pag-aalaga ng mga pasyente. Makakatulong din ang paggamit ng malinis na enerhiya para mabawasan ang polusyon. Ayon sa First Gen, patuloy nilang tinutulungan ang mga ospital at iba pang pasilidad na gumamit ng geothermal energy para sa tuloy-tuloy na suplay ng kuryente. #fyp #foryoupage #foryou #tiktok #Pilipinas #Greenpinoy #Greenfuture #Renewableenergy #SustainablePhilippines #cleanenergy #Windpower #Solarpower #solarenergy #solarfarming #solar #surigao #hospital
sana po soon yung ibang hospital din lalo na yung mga nasa isla para no more brownout na po habang nakakatipid sa mataas na bill kahit may bagyo may power supply pa din.
2026-09-11 13:44:52
0
Anggge😘 :
good decision po no more bronwout na tapos tipid pa 👏👏👏
2026-09-11 13:30:56
0
To see more videos from user @grn_pinoy, please go to the Tikwm
homepage.