@balitaphl: Kailangan na lamang ng 2.17 meters na tubig ng Angat Dam para maabot nito ang normal high water level (NHWL) na 210 meters, batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Science and Technology - Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA), as of 8:00 ng umaga, nitong Sabado, Setyembre 12. Ayon sa DOST-PAGASA, tumaas ang antas ng tubig ng Angat Dam ngayong Sabado sa 207.83 meters—mas mataas ng 0.21 meters sa talang 207.62 meters noong Biyernes, Setyembre 11. Kaugnay nito, umangat din ang water level ng iba pang pangunahing dam sa bansa, gaya ng Ambuklao Dam, Binga Dam, San Roque Dam, Pantabangan Dam, at Magat Dam. Anang ahensya, tumaas ang antas ng tubig ng Ambuklao Dam ng 0.21 meters; 0.40 meters sa Binga Dam; 0.24 meters sa San Roque Dam; 0.68 meters sa Pantabangan Dam; habang 0.74 meters naman sa Magat Dam. Samantala, bumaba naman ang water level ng Ipo Dam, La Mesa Dam, at Caliraya Dam. Base sa datos ng DOST-PAGASA, bumaba ang antas ng tubig ng Ipo Dam ng 0.20 meters; 0.13 meters sa La Mesa Dam; habang 0.20 meters naman sa Caliraya Dam. #Balita #AngatDam #WaterLevel @Manila Bulletin

Balita
Balita
Open In TikTok:
Region: PH
Saturday 12 September 2026 04:32:15 GMT
257
0
0
1

Music

Download

Comments

There are no more comments for this video.
To see more videos from user @balitaphl, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About