mssxyluv_ :
mahal na mahal kita, Joshua. to the point na mas iniisip kita kesa sa sarili ko kahit nasasaktan nako, kahit balewala na lang sayo lahat nang nararamdaman ko, sana bumalik tayo sa dati. kasi dun sobrang sweet at lagi mo pakong inaaalala;) natatakot ako na baka tuluyan nang mag fade yung pagmamahal natin sa isa’t isa, kase ako nalang yung gumagawa ng effort para patawarin ka nang patawarin kahit hindi ka nanghihingi nang paumanhin. sa sobrang pagmamahal ko sayo, kahit nasasaktan nako, iniisip ko na pano ka pag umalis ako? pag iniwan kita? i’m still trying to see the good in you kahit na sa umpisa kalang magaling. we’re having a baby, tapos ngayon pa tayo nagkaganito? hahahaha bullshit. naaawa nalang din ako sa sarili ko kasi kahit iyak nako nang iyak sayo nagagawa mo pang tumawa’t magbiro. imbis na icomfort ako, mas magtatampo kapa sakin, mas galit kapa sakin. I should’ve left you on the day na naramdaman kong minahal molang ako kase kailangan mokong mahalin, kase ako yung andito para sayo, ilang beses kong naramdaman na mahal mo pa yung dati mong niligawan kesa sakin na gf mong nagdadalang tao. bakit kaya sakanya mas gentleman ka? mas ma effort ka? mas na fflex mo sa socmed? mas nabibigyan mo ng mga gifts or favorites niya? you know her very well, pero pag dating sakin wala. iniisip ko na lang minsan na ako lang pala talaga ang may gusto nang lahat ng ito. sana sa ibang araw, marealize mo kung gaano kita kamahal, kung gaano ako nagtiis at nag sakripisyo para sayo. I love you, mahal ko. yan lang masasabi ko:)
2026-09-14 02:21:27