@news5everywhere: PAGTAKAS NG MGA VIOLATOR Huli-cam ang pagtakas at pag-iwas ng ilang motorista matapos makita ang mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) na nakapuwesto sa isang kalsada sa Pagadian City. Ayon sa uploader ng video, hindi raw alam ng ilang motorista na may LTO officers sa kanto. Ilan sa mga tumakas ay walang suot na standard protective motorcycle helmet at nakatsinelas, na parehong ipinagbabawal sa ilalim ng umiiral na batas trapiko.