@patrolngpilipino: 25 YEARS AGO THIS WEEK: 9/11 ATTACKS #TVPatrolThrowback: Noong Setyembre 11, 2001, apat na pampasaherong eroplano ang na-hijack ng mga miyembro ng al-Qaeda at ginamit sa magkakasunod na pag-atake sa U.S. Kabilang sa mga naapektuhan ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa gumuhong World Trade Center at sa paligid nito. Kasunod ng pag-atake, hinigpitan ang seguridad sa mga paliparan sa buong mundo, kabilang ang Pilipinas, para maiwasan ang mga katulad na banta. Sa paggunita sa ika-25 taon ng 9/11, balikan ang ilang ulat ng TV Patrol sa naging unang epekto sa mga Pilipino ng malagim na pag-atake. #ABSCBNNewsArchives