sky :
super sakit magmahal ng taong avoidant. hindi dahil masama silang tao, pero dahil minsan, kahit mahal ka nila, hindi nila kayang ibigay yung reassurance, consistency, at presence na kailangan mo.
minsan napapaisip ako, bakit kailangan pa nila tayong mahalin kung sa huli, magiging avoidant din naman sila? bakit kailangan pa nilang pumasok sa isang relationship kung alam nilang may moments na iiwas sila, lalayo, o ipaparamdam sa partner nila na kailangan nilang tiisin yung pagiging avoidant nila?
masakit yung marinig na, “tiisin mo yung pagiging avoidant ko,” kasi hindi naman lahat ng tao kayang mag-adjust nang paulit-ulit. hindi porket wala tayong avoidant issues, ibig sabihin tayo na lang palagi ang dapat umintindi, maghintay, at mag-adjust. may feelings din kami. napapagod din kami. nasasaktan din kami.
sana maintindihan din ng mga taong may avoidant tendencies na hindi masamang magkaroon ng struggles, pero hindi rin tama na gamitin iyon para gawing responsibility ng partner mo ang pag-intindi sa lahat. kung mahal mo talaga ang isang tao, sana hindi lang siya ang gumagawa ng paraan para maintindihan ka. dapat pareho kayong willing matutong mag-adjust, mag-communicate, at ayusin kung ano man yung nakakasakit sa relationship.
no bash. hindi ko sinasabing masama ang mga avoidant. naiintindihan kong may reasons kung bakit kayo naging ganito. pero sana, bago kayo pumasok sa isang relationship, maging honest din kayo sa sarili ninyo kung kaya ba ninyong magmahal nang hindi paulit-ulit na nasasaktan yung taong nagmamahal sa inyo.
masarap magmahal, pero masakit din kapag ginagawa mo na yung best mo para mahalin, intindihin, at hintayin yung isang tao, pero pakiramdam mo ikaw lang ang lumalaban para sa relationship.
love should be something you work on together—not something one person has to endlessly endure.
2026-10-08 16:00:49