@ptvphilippines: #UlatOnTheSpot: Nakatakdang inspeksiyunin at aksiyunan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sa pangunguna ni Sec. Vince Dizon, ang Minalin Tail Dike sa Pampanga ngayong Lunes, Sept. 14. Bahagyang napuruhan ang bahagi ng dike dahil sa pananalanta ng #habagat nitong mga nakaraang linggo, kaya’t gagamit na rin ng mga heavy equipment para mapabilis ang pagsasaayos nito. Samantala, naglagay na rin ng mga sandbag bilang pansamantalang hakbang sa ilang bahagi ng dike upang maiwasan ang posibleng pag-overflow ng tubig kapag malakas ang ulan. | via Sheila Natividad