@mongualvez: Mahigit tatlong oras walang patid ang pagpapaputok ng baril sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao del Sur. Kasama ang aming news team sa na-trap sa munisipyo nang dito kami magtago para makaiwas sa ligaw na bala. Dinig sa video ang malalakas na putok ng baril na pinaniniwalaang galing sa matataas na kalibre ng armas. Sandali tuloy natigil ang botohan sa ilang paaralan dito, para sa BARMM Parliamentary Elections. #WalaNangEditEdit #ItoAngKwento #BilangPilipino #BARMM #ParliamentaryElections