@anakbayan.ph: ALERT | MGA MAGSASAKA SA HACIENDA FERMINA SA BAGO CITY, NEGROS OCCIDENTAL, HINARASS NG MGA CAFGU Nakaranas ng harassment at pagbabanta sa kamay ng CAFGU (Citizen Armed Force Geographical Unit) ang mga magsasakang naggigiit ng karapatan sa lupa sa Hacienda Fermina sa bayan ng Bago, Negros Occidental. Pinagbantaan rin ng mga CAFGU ang isa sa mga residente na nagvideo sa kanila upang i-dokumento ang mga nangyayari. Kasabay nito, pinagbubunot ng mga tauhan ng katiwala sa lupa ang mga kamoteng kahoy, kamote at mga gulay na tanim ng mga magsasaka. Tatlong dekada nang ginigiit ng mga magsasaka ang kanilang karapatan sa lupa. Ganito ang madalas na nangyayari sa kanayunan. Sa tuwing ipinaglalaban ng mga magsasaka ang kanilang karapatan, lagi't-laging ganti ng mga Haciendero at Panginoong Maylupa ay harassment, at sa kalakhan ng mga iyon ay nandoon ang AFP, PNP at CAFGU bilang instrumento nila upang takutin ang mga mamamayan. Nananawagan ang Anakbayan sa kabataan na ilantad ang bulok na sistemang mga pwersa ng estado ang nagpapanatili sa pamamagitan ng paninindak at dahas. #negrosoccidental #bagocity

anakbayan
anakbayan
Open In TikTok:
Region: PH
Monday 14 September 2026 12:29:12 GMT
1036
110
0
21

Music

Download

Comments

There are no more comments for this video.
To see more videos from user @anakbayan.ph, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About