@misschaiofficial: Kasi kapag may ibang babae nang nagpapakita ng inappropriate na interest sa’yo, hindi na dapat ang tanong ay: “Ano kayang gagawin ni Misis kapag nalaman niya?” Ang tanong dapat ay: “Ano ang gagawin ko bilang asawa para malinaw na walang puwang dito?” May malaking difference iyon. Hindi mo kontrolado kung sino ang magkakagusto sa’yo. Hindi mo mapipigilan kung may mag-flirt, mag-message, magbigay ng extra attention, o subukang lumapit nang higit sa nararapat. Pero Mister, kontrolado mo kung bubuksan mo ang pinto. Kontrolado mo kung rereplyan mo. Kontrolado mo kung ie-entertain mo. Kontrolado mo kung patatagalin mo ang conversation dahil secretly, masarap din sa ego na may ibang babaeng interesado sa’yo. At kontrolado mo kung magiging malinaw ang boundaries mo or deliberately vague para tuloy lang ang attention. Because sometimes, betrayal doesn’t begin when two people finally cross the biggest line. It begins when someone notices the boundary being tested and chooses not to protect it. Kapag alam mong may ibang intention na ang isang babae pero patuloy mo pa ring kinakausap nang parang walang nangyayari, hindi sapat ang: “Siya naman ang lumalapit.” Yes, siya ang lumalapit. Pero ikaw ang nagpapasya kung hanggang saan siya makakalapit. At hindi dapat si Misis ang kailangang mag-message sa babae. Hindi dapat siya ang kailangang magsabi ng “Lumayo ka sa asawa ko.” Hindi dapat siya ang kailangang magmukhang selosa, possessive, o kontrabida dahil ikaw mismo ayaw mong gumawa ng malinaw na boundary. Kung asawa mo ang pinili mo, ikaw ang unang dapat mag-protect sa position niya. Not because your wife owns you. Not because bawal ka nang makipag-usap sa ibang babae. And certainly not because every woman around you is a threat. Ang pinag-uusapan natin dito ay kapag may malinaw nang boundary being crossed. Kapag flirtatious na. Kapag too personal na. Kapag may pagtatago na. Kapag may emotional intimacy nang hindi na appropriate. Kapag alam mong interesado siya sa’yo at instead na umatras ka, nae-enjoy mo pa ang attention. Doon mo kailangang maging lalaki enough to say: “Hanggang dito lang.” At hindi kailangan maging bastos. Hindi kailangan mang-insulto. Hindi kailangan gumawa ng eksena. Sometimes a strong boundary is simply being clear, consistent, and unavailable. Because respectful men don’t need their wives standing beside them before they remember they’re married. At ito ang mas masakit para sa isang wife: hindi lang iyong may babaeng lumapit sa asawa niya. Kundi iyong pakiramdam na kailangan pa niyang ipaglaban ang lugar na ipinangako nang kanya noong pinakasalan siya. Imagine telling your wife: “Wala ka namang dapat pagselosan.” Pero at the same time, hindi mo kayang bitawan ang attention ng babaeng pinagseselosan niya kahit alam mong inappropriate na. Then you’re asking her to manufacture security inside an environment you’re helping make insecure. Mister, don’t demand trust while keeping doors half-open. Kung mahalaga sa’yo ang marriage mo, protect it before your wife has to beg you to. Protect it when she’s beside you. Protect it when she’s asleep. Protect it when you’re traveling. Protect it when nobody would ever know. Because loyalty is not merely saying: “Hindi naman ako nag-cheat.” Sometimes loyalty looks much quieter: You noticed where something could lead and you closed the door yourself. Hindi dahil nahuli ka. Hindi dahil pinagbawalan ka. Hindi dahil nagalit si Misis. Kundi dahil may asawa kang ipinangako mong rerespetuhin kahit wala siyang nakatingin. Your wife should never have to fight another woman for a position you promised to protect. Kung ikaw ang nagbukas ng marriage sa isang tao, responsibility mong isara iyon, not your wife’s responsibility to fight her way back into her own place. #misschai
Miss Chai
Region: PH
Tuesday 15 September 2026 11:53:07 GMT
Music
Download
Comments
Rib :
If you want an Angel partner, you must need to create a heaven for her
2026-09-16 15:21:07
0
YearningSoul🤎 :
Gustong gusto nga nila yun eh. Pampataas ng ego. Akala nila guwapo na sila sa lagay na yun pero ang totoo mas bumababa ang moral nila kapag hinahayaan nilang ang asawa pa mismo nila ang magsabi sakanila kung anong dapat nila gawin. Kung tutuusin mas madali para sa mga babae ang magloko kung gugustuhin lang nila pero mas madalas pinpili nilang umiwas.
2026-09-15 23:16:26
40
"dazzle" :
period
2026-09-16 05:50:46
0
Mammylotz🌻💝 :
Exactly!!!!
2026-09-16 04:45:28
0
hannah :
kaya nagiging toxic ang wife sa isang marriage bcos of husband na nagchecheat 🥺
2026-09-16 05:46:25
13
BENEDICT&DANIELLEmahboys❤️ :
paano nmn kung kalive in lng 😭😭
2026-09-16 04:26:44
0
keytfinds_ :
indeed 💯
2026-09-16 01:56:56
0
Sweet Candy🍭 :
LOUDERRR
2026-09-15 15:38:08
2
JOYFULJOY❤️ :
kung hindi na kau nkkuntento sa mrs niu, hiwalayan niu na, hindi ung nanakit pa kayo na patago,, hindi deserve ng babae ang lokohin lalo na stay home wife na walang ginawa kungdi mging loyal sanyo.
2026-09-16 12:51:51
1
jemma :
once a cheater always a repeater.
2026-09-16 01:46:09
1
🇵🇭JOY_ SHOP 🪬 :
di nila alam ang limitasyon at boundaries😏😏😏
2026-09-15 14:27:54
5
✨🌹Its Rosecell🌹✨🇦🇪 :
You can't return the trust anymore once Malaman mo Yung betrayals. I came from a failed marriage. I made the right decision by leaving him. In the end, nasa iBang pamilya rin Siya not the same girl he cheated on me before. 8 years has passed pero Yung trauma ko until now dala ko pa. Ang hirap ng mag tiwala pa. Kaya di parin ako makapag-asawa ulit.
2026-09-16 09:54:02
0
mayayi :
di na lang sana pinakasalan.
2026-09-16 10:06:32
1
M♉️ :
yes
2026-09-16 07:18:09
0
Queens👑 :
true
2026-09-15 13:33:21
1
ј𝔸𝓷Ňᵃ🌼 :
Mister, kung may babaeng lumalampas na sa boundaries.
Wag mong hayaan na si Misis pa magtaboy.
Ikaw ang magsara ng pinto.
Because your wife should never have to fight another woman for a position you promised to protect.
2026-09-16 07:21:44
0
Rosetrendy :
So true pero sad mas na entertain sila
2026-09-15 12:26:53
2
mommyfindsph :
This❤️
2026-09-15 14:59:25
0
Quennie Alcosero :
ito yung tama, never pa naman natry sa asawa ko pero as a wife agree ako dito
2026-09-16 02:39:32
0
janet Manlusoc :
feeling KC nila sobrang gwapo nila kapag may ganyan kaya Go lng Sila...
2026-09-16 01:29:54
0
Xrannech :
ako..tinatanong ko kung ok ba sya na gagawin ko rin ang ginawa nya..sabi nya NO..kaya sabi q..eh di wag mo gawin ang ayaw mong gawin ko sayo...
2026-09-15 20:38:56
0
T’Russelll :
Ako na kakataboy ko lang ng babaeng walang boundaries recently
2026-09-16 04:36:34
0
🤰💕 :
Yesss!!! ang temptation kasi andyan talaga yan. Nasa tao yan kung magpapadala ka.
2026-09-16 03:49:50
0
Mrs.Villacarillo22 :
may tinaboy aq 2 years ago.grabe feeling entitled masyado.
2026-09-16 05:39:44
0
To see more videos from user @misschaiofficial, please go to the Tikwm
homepage.