@abantenews: DEPENSA MAY NAKAHANDANG PALIWANAG SA PAGTAAS NG NET WORTH NI VP SARA PANOORIN: Sa isang pulong balitaan sa Senado, sinabi ni Defense Panel Spokesperson Atty. Michael Poa na may nakahanda silang paliwanag kaugnay ng pagtaas ng net worth ni Vice President Sara Duterte. Ayon kay Poa, ilalahad nila ang kanilang paliwanag sa tamang oras, kasabay ng pagharap ng kanilang mga testigo sa impeachment trial. Aniya, mayroon silang sariling estratehiya hinggil sa isyu ngunit hindi muna nila ibubunyag ang mga detalye. Kumpiyansa naman ang depensa na maayos nilang maipapaliwanag ang naturang usapin sa tamang pagkakataon. | via Jojo Sicat, Abante News