@ren47282: PUNO: SUPREME COURT PUWEDENG MAGBASURA NG IMPEACHMENT PROCEEDINGS KAPAG NILABAG ANG BATAS Binigyang-diin ni retired Supreme Court Chief Justice Reynato Puno na hindi lahat ng aksyon ng Senate impeachment court ay political at lampas na sa pagsusuri ng Supreme Court. Ayon kay Puno, kung lalabag ang impeachment court sa mga karapatang ginagarantiya ng Konstitusyon—gaya ng due process at karapatan sa patas at walang kinikilingang mga hukom—maaari itong suriin ng Supreme Court. Binigyang-babala rin ni Puno na ang naturang paglabag ay maaaring humantong sa pagpapawalang-bisa ng impeachment proceedings at maging ng desisyon sa kaso, kabilang ang posibleng pag-dismiss ng kaso laban sa respondent.#OFW #INC #LUZON #visaya #MINDANAO