@abantenews: Isang kongresistang kasapi ng house prosecution panel at isang pribadong abogado ng prosekusyon ang natukoy ng Senate impeachment court na lumabag sa subjudice rule o sa pagbabawal sa kanilang tumalakay sa merito ng impeachment cases laban kay Vice President Sara Duterte sa labas ng paglilitis. Ayon kay Atty. Reginald Tongol, impeachment court spokesperson, dahil dito, nagpaisyu si Impeachment Court Presiding Officer Francis 'Chiz' Escudero ng show cause order o pinapapaliwanag ang dalawa kung bakit hindi dapat ma-contempt ang dalawa. Binigyan sila ng 24 na oras para magsumite ng written explanation. Ayon kay Atty. Tongol, na-monitor ng impeachment court ang mga paglabag sa subjudice rule noong September 8, 14 at 15. Nakadalawang paglabag ang congressman-prosecutor at isa ang paglabag ng private prosecutor. Hindi pa tinukoy ang pangalan ng dalawa dahil isisilbi pa lang ang subpoena at humihingi pa siya ng clearance. Magugunita na noong August 26, itinakda ni Presiding Officer Escudero ang guidelines sa subjudice rule. Pinagbabawalan ang mga senator-judge, mga abogado ng Prosecution at Defense panel, kanilang mga testigo, at pati ang nililitis na si VP Sara na magkomento sa publiko sa merits ng pending na impeachment cases. Batay sa naging ruling ni Escudero, ang subjudice violators ay ire-reprimand sa unang paglabag, may ₱30,000 nang multa sa kada pag-ulit ng paglabag. | via Jojo Sicat, Abante News
Abante News
Region: PH
Wednesday 16 September 2026 23:10:41 GMT
Music
Download
Comments
♌️Rochelle🇹🇼🇵🇭 :
c ridon at tulosa
2026-09-17 02:08:32
41
Crystal Joy Gabriel :
obvious naman na ako yun.. ahhaah
2026-09-17 02:44:01
132
JBlue :
[Tears of joy][Tears of joy][Tears of joy][Tears of joy] best news of the day
2026-09-17 10:56:07
0
Bugsie610 :
Si Ridon and Ortega yan
2026-09-17 01:55:20
13
Caliban Prime :
Teka ako yata yan 😜😂
2026-09-17 01:53:33
76
agelesswithKT :
RIDON & ATTY MAE
2026-09-17 17:16:54
0
Pain :
raffy tulfo at pin locson
2026-09-16 23:43:19
17
Jackelyn Barrit :
bakit tinatago pa ang pangalan😏kung sa defence cguro yan nag drop name na yan😁
2026-09-17 05:05:29
19
LAGALAG 🇸🇦🇸🇦🇵🇭🇵🇭 :
Name it Please[Tears of joy]
2026-09-17 02:33:45
5
mockingbird :
drop the names
2026-09-17 04:45:13
0
𝓐 𝓷 𝓲 𝕱 𝖑 𝖊 𝖝 :
Mericiii... [Tears of joy]
2026-09-17 12:59:51
0
p4ps1k3l :
Whatever
2026-09-17 18:09:43
0
Millie :
wag na warning, contempt na diretso!
2026-09-17 02:10:26
22
Khalel22 :
Ridon at luistro cla nman masipag mgpainterview
2026-09-17 05:32:56
14
"manget" :
perfect 👌
2026-09-17 06:29:43
0
AnaJamz :
Mga pasaway kc eh snabhan na about violations ayaw tumigil
2026-09-17 00:48:32
12
VLATHEE :
Terry for the win, sure na 😂
2026-09-17 02:07:58
7
🍀📚⚖️ :
Pasok sa banga ang show cause order.🤣
2026-09-17 06:13:23
11
. :
Dapat kasama run si Garin.
2026-09-17 13:09:41
4
kelly :
next time sir ..metion name names..di po kami Mang huhula..
2026-09-17 06:08:17
4
bhoy mendoza :
hindi ba pwedeng pag nag report ka pangalanan mo kung sino mga un
2026-09-17 02:59:18
2
mark jifruckz Ortega :
tama yan binabaliwa wala na Kasi nila Ang saligang batas
2026-09-17 09:47:14
2
sparksfly :
I contempt na yan si ridon at luistro
2026-09-17 03:13:39
3
gumi❤️ :
ikulong na yan [Tears of joy]
2026-09-17 00:19:09
4
kael :
magkasunod pa 😂
2026-09-17 22:46:55
1
To see more videos from user @abantenews, please go to the Tikwm
homepage.