KURT :
almost 5 years kaming live in, nag stop ako para matulungan ko syang makapagtapos ng pag aaral, sinuportahan ko sya sa lahat, baon, pagkain, oras (di ako nanunumbat). May time na nagpapa gutom ako sa trabaho ko bilang service crew sa Greenwich para lang makapag tipid at may pambaon at pagkain kaming dalawa pag uwi ko. Lumipas ang taon, nakapagtapos sya ng pag aaral, nag work bilang call center agent (daming sabi sabi na uso raw dito ang kabit, pero di ko pinansin kasi may tiwala ako sakanya), kasama ko sya sa lahat, sa pag asikaso ng mga requirements sa pag board exam, hanggang sa makapasa sya (LPT), then nag apply bilang teacher, kasama ako sa pag grow nya, hanggang sa nakapasok na sya sa DEPED, pero recently napapansin ko parang may kakaiba na, then that day come. 7 days before her first day of teaching, I found out may iba sya, may kausap at ka call syang iba. Napatanong ako kung deserve ko ba to Lord? Sinakripisyo ko lahat sakanya gang sa paglipad nya, pero iniwan nya ko sa baba. Ubos na ubos ako, walang natira sakin. Till now traumatized parin sa nangyari, tama si mama magtira ka para sa sarili mo.
2026-09-18 23:54:49