@gmanews: KAMBING NA MAGALANG? 🐐 Viral ang video ng isang uploader matapos nitong ibahagi ang pagmamano ng kanilang alagang kambing sa Purol Bulongan, Camburoy, Samboan, Cebu. Ayon kay Jessel Balbuena, umuwi ang kanilang kambing na si Ading mula sa pastulan matapos ang kanilang hapunan. Unang lumapit si Ading sa kanilang ina upang magmano. Dahil dito, napagkatuwaan ng pamilya na ipagmano rin siya sa iba pang miyembro ng kanilang pamilya. 4 na buwang gulang pa lamang si Ading at madalas aniya siyang nakikisama sa kanilang mga family gathering. Nakagawian na rin nitong magmano sa kanilang ina. | via Myk Francisco/Stringer Video courtesy: Jessel Fetiluna Balbuena #GMANews