@alasari14: Ang Jabidah Massacre ang pinaka-sugat ng Bangsamoro na hindi pa rin naghihilom March 18, 1968 sa Corregidor Island, Cavite. Si Marcos Sr. may lihim na plano na bawiin ang Sabah mula sa Malaysia. Kumuha siya ng mga batang Moro mga Tausug at Sama galing Sulu at Tawi-Tawi, mga 180 to 200 katao. Dinala sa Simunul, Tawi-Tawi tapos sa Corregidor. Pinangakoan ng 50 pesos, magiging sundalo daw ng AFP. Hindi sinabi na ang tunay na mission ay papatayin nila ang mga kapwa Muslim nila sa Sabah. Nagreklamo sila Walang maayos na pagkain, natutulog sa sirang barracks ng WWII, hindi binibigay sahod. Nagsulat sila ng petisyon kay Marcos. Nung nalaman nila na Muslim vs Muslim pala ang laban, gusto na nila umuwi. Dahil takot mabuking ang sikretong plano, pinagbabaril sila ng mga opisyal na nagte-train sa kanila. Sabi sa report 28 hanggang 68 ang namatay. Isa lang ang nakatakas at nakaligtas si Jibin Arula, na lumangoy ng 2 oras sa dagat hanggang makarating sa pampang at na-rescue ng mangingisda. Si Arula ang nagkwento sa lahat.Bakit mahalaga ito sa atin? Dahil dito nabuo ang lahat Si Gov. Datu Udtog Matalam ng Cotabato gumawa ng Muslim Independence Movement (MIM) 1968 Si Prof. Nur Misuari na nasa UP noon, kasama si Alonto at iba pa, nag-vigil ng 10 days sa Malacañang para humingi ng imbestigasyon. Nung walang nangyari, itinatag niya ang MNLF noong 1972. Kaya tinatawag ang Jabidah na spark ng Bangsamoro Revolution Ngayon, kada March 18, inaalala ito ng BARMM sa Mindanao Garden of Peace sa Corregidor. #jabidahmassacre #barmm🇸🇦🇵🇭 #bangsamoro #muslimcommunity #foryou
數|•ᴀʟᴀʏᴋᴀᥫ᭡
Region: PH
Thursday 17 September 2026 15:58:22 GMT
Music
Download
Comments
There are no more comments for this video.
To see more videos from user @alasari14, please go to the Tikwm
homepage.