@jongmedinafilms: Sana matagpuan natin ang pag-ibig na marunong manatili, hindi lang sa mga araw na sagana, kundi lalo na sa mga panahong kapos. ‘Yung pag-ibig na kayang makuntento sa Yumburger ng Jollibee, habang magkatabi nating hinihintay ang susunod na jeep. ‘Yung upuang harapan sa jeepney na parang maliit na pahinga sa gitna ng mahabang biyahe at pagod sa trabaho. ‘Yung mainit na sabaw sa maulang gabi, kapag ang lamig ng panahon ay kailangan lang ng yakap at isang taong magsasabing, “Kain na tayo.” At kapag dumating ang petsa de peligro, kapag halos wala nang laman ang bulsa, may sardinas sa hapag, at may taong handang makibahagi para handang gumising at mag trabaho magdamag. Dahil baka ang tunay na yaman ng pag-ibig ay hindi kung gaano karami ang kaya nating ibigay, kundi kung sino ang nananatili kapag kaunti na lang ang mayroon tayo. Sana mahanap natin ang taong sasabay sa atin sa hirap, makikitawa sa simpleng saya, at makikipagtagumpay kapag dumating na ang panahon natin. Hindi lang hanggang sa “kaya natin.” Kundi hanggang sa isang araw, masabi nating“Kinaya natin.” ❤️ Salamat sa napakagandang awiting 'Mahal Magmahal', Esremborak #MahalMagmahal #OPM #Esremborak

jong_tv
jong_tv
Open In TikTok:
Region: PH
Friday 18 September 2026 10:00:00 GMT
805712
113833
515
18261

Music

Download

Comments

rideeeewithgabb
GabGab :
Ngl chat, super rare na makahanap ng babaeng sasamahan ka sa zero days natin
2026-09-18 13:07:16
6197
yes.itsmeraki
Meraki :
aww, Lord, pls let my man win.
2026-09-19 04:40:34
1011
atemariel1998
Just Mariel 🌸🥹 :
Hindi naman lahat ng lalaki mananatili samin kapag nakaahon na sila sa zero days nila. Tendency niyan kapag may pera na sila, maghahanap na ng iba 😂😂 aray mooo
2026-09-19 01:36:30
1196
0ra_nge4you
Hiraya Ph :
A woman's loyalty is proven if she stayed in her man's lowest, a man's loyalty is proven when he stayed when he had everything.
2026-09-19 18:44:36
309
creamo00
Trixxx :
this song feels heavy to me 🥹🥹
2026-09-19 02:12:33
214
gottaluvpxul
Justin :
super rare makahanap ng babaeng sasamahan tayo ng zero o down days
2026-10-16 02:43:42
6
abbyquitanegamoin
Avie ✨ :
I get the zero days guys, but if we see that you are comfortable living paycheck to paycheck, we will leave kahit mahal pa namen kayo. I rest my case.
2026-09-20 06:49:56
31
gleeezeeel
𝒈𝒍𝒆𝒏𝒈 🌻 :
Stayed when he had nothing, even helped him get to where he is now. But fate is funny talaga 😊 Didn't regret loving someone like that though 🥰 but won't do it again.
2026-09-19 05:53:01
87
chaaaaarger
Chaaaaarger :
MAY THIS LOVE AND LALAKI NEVER FIND ME AGAIN!!!! TRAUMA 💯, DEPRESSION, INSECURITY, AND LOST MYSELF!! TRUST ME MALOLOSYANG KA KAHIT WALA NAMAN KAYONG ANAK!!!
2026-09-19 07:22:32
87
venus.labitan
beenose :
How it feels seeing this
2026-09-18 12:36:27
161
superwomeyn23
Meyn :
Mahal ang bigas. Pero noon, kumukuha pa ako ng stock sa bahay namin just to give him some when he moved from Manila to our province to be closer to me. He was just starting to earn from his online job, and he needed a little help. So I helped in whatever little way I could. Looking back now, it was all worth it. Because today, I’m lying in bed typing this, with him and our baby beside me, in a home that we can finally call our own. Ten years together. Two years married. One beautiful baby. Funny how the little sacrifices you make along the way can eventually become the life you once only hoped for. It was worth it. Every single bit of it. 🤍
2026-09-19 08:48:20
55
myerwheels
MyerWheels :
no ones talking about the color grading💯💯💯
2026-09-19 11:34:02
14
keangabia
K_finds :
ano cam gamit mo ya?... pano mo kinuha yung shot sa tricycle ng d nakikita cam?
2026-09-18 10:40:35
33
beggieeeeeee
abhe :
sinamahan ko sya sa zero days nya ginawa ko lahat supportahan sya sa lahat ng Plano nag tiwala ako . tapos nung time na Ako nag hirap iniwan nyako pinag palit ako sa babaeng nag cheat langdin sa kanya ☹️bumalik sya sakin tinanggap ko kase akala ko pwede pa oh kaya kopa ibalik yung dating masayang kami pero dina hinding hindi na kayang ibalik yung dating tiwala ko at ngayun sinisisi nya bat daw ako mag bago bat daw ako nag iba pero dinya alam paano kahirap sakin lahat ng nangyare samin hanggang ngayun kahit medyo nagiging okey2 nakami pero sumasakit padin kumikirot padin puso ko tuwing na aalala ko . nag sisisi ako na bumalik sya at tinanggap ko sya ulit kahit nag bago nasya for good pero ako nag bago nadin ako dikona makita halaga nun dikona makita halaga ko .
2026-09-19 04:27:59
57
jo._.ann
joan :
wish ko lang sana kapag nasa winning era na sya ako parin ang pipiliin nya🥺
2026-09-19 06:38:14
110
24_lam
Malcolm_ :
Magiging successful din tayo
2026-09-19 05:13:06
21
jethvillato
Jeth :
Bro try mo yung version ng Mahal Magmahal ni Zel, feel ko mas babagay 🔥
2026-09-19 17:05:29
13
arisaning.cos
Kathlene~ :
pano naman kaming pagod at single sa bus na nakakaamoy ng burger nyo
2026-09-19 07:42:26
7
notyourzariyahh
Zariyah :
oo kasama sa zero days pero hindi pwedeng always zero days, mahal ang bilihin ngayon kung palagi nalang makukuntento sa saktuhan paano pa kayo maggrow.
2026-09-20 03:50:25
9
gadaphs
JPG :
Ang ganda. Parang gusto ko to gawin kapag ikakasal na ko like prenup compare sa mga prenup style na ginagawa ng mga kinakasal. Ang normal lang.
2026-09-19 03:36:24
10
maggotsforbrains0627
theblackdog :
clearly, mali ang interpretation mo sa song. 💀
2026-09-19 08:09:14
19
stellar.azarath
Stellar Azarath :
man this is a political song about how expensive everything is its also more expensive to love. Hindi about sa babae na sasamahan ka sa hirap ang ginhawa. we're too resilient and hindi natin deserve ng partner natin na maging resilient na lang. It's good to have someone to be with you thru better or for worse but its better to have someone when youre already at your best. I'm not saying this kasi natamaan ako bilang babae honestly, I'm pansexual and lol in all of my relationship i pay for everything or KKB kami, when i lost my job I didn't look for a new relationship up until now because i dont want to get myself in a relationship na kahit lata ng sardinas mahihirapan akong iafford whether my partner is willing to accept that I'm not gonna let them go thru that experience.
2026-09-19 06:10:21
15
mak.juswa
Mack Matorre :
Ang kyut sir!
2026-09-18 10:34:29
5
dombogritz
Alikabokunochii :
san po tan inedit sir tsaka anong font
2026-09-18 21:42:00
6
_skaikru
allen :
jong nd jaiii on top! 🙌
2026-09-18 11:01:39
6
To see more videos from user @jongmedinafilms, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About