yssryssr123 :
"KUNG BARANGAY NA-EXTEND NA, PRESIDENTE NA ANG SUNOD?"
Isipin mo to tol.
Ngayon 5 years na barangay. Napirmahan na, tapos na. Wala nang bawian.
Anong sabi ng iba? "Barangay lang naman yan, maliit lang yan."
Pero tol, ganito rin nagsimula tatay niya.
STEP BY STEP KUNG PAANO HUMABA NG 20 YEARS:
Noong 1972, hindi agad sinabing "gagawin kong 20 years term ko."
Ang sinabi muna: "Kailangan ng disiplina sa barangay, kailangan ng kaayusan."
Tapos naging: "Kailangan ng bagong Konstitusyon."
Tapos naging: "Kailangan ko manatili para sa bayan."
Ganon din ngayon.
STEP 1 - BARANGAY MUNA (NGAYON NA)
RA 12326 - 3 years to 5 years. "Para mas mahaba serbisyo." Tahimik lang tao, okay lang daw.
STEP 2 - CONGRESS AT SENADO NA ANG SUNOD
Pag nakita nilang walang nagreklamo sa barangay, sunod niyan sila naman. "Gawin nating 6 years ang congressman para tuloy-tuloy proyekto." Papayag ka pa rin?
STEP 3 - PRESIDENTE NA
Ito na yung dulo. Sasabihin: "Bitin ang 6 years ng presidente. Sa ibang bansa 8 years, 10 years. Para matapos ang Build Better More, kailangan ng dagdag na panahon sa panunungkulan."
Same line. Same script. "Dagdag na panahon para maglingkod."
Pero ang totoo, dagdag na panahon para hindi na bumaba.
BAKIT PRESIDENTE ANG PINAKA DELIKADO?
Kasi pag barangay ang humaba, barangay lang hawak nila.
Pag presidente ang humaba, buong Pilipinas hawak na nila ulit.
At kung nagawa ng tatay na gawing 20 years, bakit hindi magawa ng anak na gawing 10, 12, 15 years? May makakapigil ba kung kontrolado mo Kongreso, Senado, at Barangay?
TANONG SA SARILI:
Kung kaya nilang palawigin ang termino ng pinakamaliit na opisyal sa bansa na barangay, ano pa kaya ang pinakamataas na opisyal na presidente?
Kung ngayon 5 years ang barangay, bukas makalawa baka 8 years na presidente.
Hindi ito chismis tol. Pattern ito.
1973 binago Konstitusyon para sa tatay.
2025-2028, pag-uusapan na naman charter change para sa anak?
Kaya wag kang matulog sa "barangay lang yan."
Dahil ang barangay, simula lang yan. Ang dulo, Malacañang pa rin.
Huwag mong hayaang maulit yung 20 years na dapat 8 years lang.
2026-09-25 23:22:01