@justinorias4: 𝐄𝐃𝐈𝐓𝐎𝐑𝐘𝐀𝐋 || 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐤 𝐊𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬, 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐤 𝐊𝐚𝐥𝐛𝐚𝐫𝐲𝐨 Patuloy ngang malulugmok ang mga mag-aaral at mamamayan ng probinsya kung ang sistemang kinamulatan ay pabor lamang sa mga makapangyarihan. Ito ang imahen ng lipunang ipininta ngayong araw ng administrasyon ng University of Eastern Philippines (UEP) nang sapilitang ligpitin nito ang streamer ng The Pillar na may katagang, “Junk House Bill 9414, House Bill 9861! Defend Press Freedom.” Nangyari ito sa kasagsagan ng Balik Kampus 2026. Walang protesta. Isang bandera lang ang naging mitsa. Ang pagkakataon sanang opisyal na tanggapin ang mga freshmen ng unibersidad ay nagmistulang pabungad at pasilip sa isang sistemang patuloy na umaapak sa karapatang magpahayag ng mga mag-aaral—isang sistemang pabor lamang sa mga makapangyarihan. Hindi maipagkakailang patuloy ang diskusyon patungkol sa House Bills (HBs) Nos. 9414 at 9861, na isinusulong ang pagtatatag sa UEP bilang isang National University for Sustainable Studies. Subalit ang masalimuot na aspekto ng proposisyong ito ay ang bahagi kung saan balak palawigin ang termino ng kasalukuyang University President na si Dr. Cherry Ultra. Liban pa rito, sa danas ng mga mag-aaral, hindi ramdam ang mga ipinagmamalaking inisyatiba ng administrasyon. Iginigiit ang kakulangan sa mga pasilidad, mabagal na tugon sa mga request, at ang kababawan ng mga katagang “UEP Cares.” Sa ilang taon ng panunungkulan ng presidente, marapat ding kuwestiyunin ang kaniyang pamamalakad. Sapagkat sa tinagal-tagal ng kaniyang pamumuno, bakit wala pa ring pagbabago sa kaniyang isinusulong na sustainable development sa unibersidad na dapat tunay na nararamdaman ng bawat stakeholder? Bilang boses ng mga mag-aaral, ito ang panawagan ng The Pillar ngayong araw—isang panawagang nakalatag sa kanilang streamer. Layunin ng pahayagan na buksan ang kamalayan ng mga mag-aaral sa mga isyung nakapaloob sa mga House Bills na ito, sapagkat lahat ng sektor ng akademya ay maaaring maapektuhan. Kaya naman, ang pagtanggal ng streamer na ito ay hindi maliit na bagay. Bagkus, ito'y patunay ng umano’y walang pagdadalawang-isip ng administrasyon na tiklupin ang boses ng pahayagan at hadlangan ang kamalayan ng mga mag-aaral. Higit pa rito, ang agarang pagpapahinto sa aktibidad ay nagpapakita kung paano maaaring gamitin ang kapangyarihan upang lumikha ng isang sistemang talamak ang takot at pag-aatubili. Ito ay pumipigil sa malayang pagpapahayag ng mga mag-aaral. Ang ginawa ng administrasyon—ang pagpapadala ng mga pulis at pagpapahinto sa aktibidad ng mga mag-aaral—ay malinaw na pagpapakita ng intimidation at censorship na tuluyang yumuyurak sa mga pangunahing karapatan ng isang mamamayan. Hindi iyon bandera lang. Sapagkat nang tuluyang lukutin ito sa harap ng mga mag-aaral, lantad na ipinapakita kung paano maaaring gamitin ang puwersa at kapangyarihan upang supilin ang isang boses na ang hinihiling lamang ay makatao at makabuluhang pagbabago para sa institusyon.¶

oriasjustin
oriasjustin
Open In TikTok:
Region: PH
Friday 18 September 2026 06:21:11 GMT
167
5
0
0

Music

Download

Comments

There are no more comments for this video.
To see more videos from user @justinorias4, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About