Dre. :
“Bakit ako?” tanong mo, “Sa dami ng kayang mahulog sa iyong tingin, bakit ako ang pinili, gayong marami ang naghihintay sa iyong pagtingin?” Ngunit sa mata ko, sinta, wala kapantay ang iyong ganda, Ikaw ang bukod-tanging hinahanap ng pusong sawang magkunwari sa iba.
“Huwag mong ihambing ang sarili sa sinumang naririyan, Sapagkat sa lawak ng mundo, ikaw lamang ang aking natagpuan; Marahil kaya hindi kita kayang pakawalan sa tadhana, Dahil sa iyong pagkatao, may tahanang natagpuan ang aking kaluluwa.”
“Magaling ka ngang magsalita,” tugon mong may pag-aalinlangan at pagtitimpi, “Ngunit paano kung ang mga pangako’y pawang hungkag na puri?” Kung salita lamang ang pag-ibig, madaling maglaho sa hangin, Kaya hahayaan kong ang gawa ang magpatunay— at ang panahon ang saksi.
2026-10-18 08:36:56