@maria_23604: Ngayong patuloy ang krisis pang-ekonomiya na dinaranas ng ating bansa, hindi tingi-tinging ginhawa ang kailangan ng bawat pamilyang Pilipino. Aanhin mo ang halos trenta pesos na matitipid sa kuryente sa loob ng isang buwan kung ang kapalit naman nito ay mabilis na pagsipa sa presyo ng bilihin? Tanggalin ang VAT sa buong electric bill, hindi sa system loss charge lamang. Gaya ng inilalaban ni Senator Bam Aquino, ang kailangan natin ay ginhawang nararamdaman at napapakinabangan, hindi barya-baryang limos mula sa pamahalaan. #RemoveVAT #kuryente #bamaquino #SenatePH #fyp