@kuyajec6: Tumaas na naman ang gasolina, pero bakit parang ang tahimik? ⛽📈 napapansin ba to ng mga tao? Panibagong oil price hike na naman tapos kapag tiningnan mo ang balita sa TV o social media feed, parang normal na araw lang? Walang masyadong ingay, walang update mula sa mga nakaupo sa Senado, o kaya malinaw na solusyon mula sa Mga official. Huli ba nila naramdaman ang presyo sa mga gasolinahan? Hindi biro ang gumastos nang libo-libo linggo-linggo para lang makapasok sa trabaho, makapamasahe, o maihatid ang mga anak sa eskuwela. Kapag tumaas ang krudo at gasolina, sumasabay din ang presyo ng bilihin, pagkain, at pamasahe. Lahat na aapektuhan! Pero bakit ang bagal ng reaksyon at parang walang naririnig na hakbang mula sa mga opisyal ng pamahalaan? Hindi na natin kailangan ng "monitoring" lang or simpleng abiso na magtipid. Ang kailangan ng bayan ay aksyon, tax relief sa langis, o pangmatagalang solusyon sa sunod-sunod na pahirap. Kayong mga nasa pwesto, gising naman diyan. Ramdam niyo ba ito? O kailangang mag-rally muna kaming mga Pilipino bago ninyo pansinin na kumakalam na ang bulsa namin pati na ang sikmura namin? #Gasolina #Pilipinas #BuhayPilipino #magisingnamankayo

Kuya Jec 📷
Kuya Jec 📷
Open In TikTok:
Region: PH
Sunday 20 September 2026 11:36:36 GMT
90
3
0
0

Music

Download

Comments

There are no more comments for this video.
To see more videos from user @kuyajec6, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About