xue kai :
Sa totoo lang, guys, need niyo talagang unahin yung sarili niyo. If you know that you're no longer okay mentally and emotionally, please don't force yourself to keep going just because of other people's expectations. Hindi porket kaya ng iba, kailangan kayanin niyo rin. Minsan, mas lalo lang kayong mapapagod at mahihirapan kapag pinilit niyo yung sarili niyo sa isang bagay na hindi niyo na talaga kaya.
Last year, Grade 11 ako, nagpa-absent na rin ako dahil sa mental health ko. Kahit papaano, nakapasa pa rin naman ako. Pero nung enrollment na ng Grade 12, alam ko na sa sarili ko na hindi ko na talaga kaya. I knew I wasn't okay, and I knew I needed a break, pero pinilit ko pa rin yung sarili ko kasi ayaw ng parents ko na mag-stop ako. Natatakot din siguro akong ma-disappoint sila, kaya kahit alam kong nahihirapan na ako, tinuloy ko pa rin.
Pero ayun, naulit na naman yung nangyari sa akin nung Grade 11. Nagpa-absent na naman ako nang paulit-ulit. Lagi akong hinahanap ng mga teachers ko, pero kahit gusto kong pumasok, may mga araw talagang hindi ko kayang pilitin yung sarili ko. Hanggang sa natapos na yung first term, at halos wala na akong nagawang maayos sa pag-aaral ko.
Nung enrollment na ng second term, lagi na akong ginagalitan ng parents ko. Lagi raw akong absent, wala na raw akong ginawa kundi mag-absent at sayangin yung perang ginagastos nila sa akin. Masakit marinig yung mga ganoong salita, lalo na kapag alam mong hindi mo naman ginusto yung nangyayari sa sarili mo. Hindi ko naman ginustong mapunta sa ganitong sitwasyon. Kung kaya ko lang sanang maging okay at gawin lahat ng inaasahan nila sa akin, ginawa ko na,,,,,,,
2026-10-19 03:49:24