Dominic :
Kadalasan, yung mga nagsasabing pangit daw ang Forgotten Island ay yung mga taong hindi naman talaga nanood ng movie. May iba na base lang sa narinig nila sa ibang tao, at meron ding humuhusga agad dahil lang sa trailer-kahit hindi pa naman nila napapanood nang buo. Ang mas nakakainis, minsan yung pinagbabasehan din nila ng opinion ay mga taong hindi naman talaga nanood. Hindi nila alam kung gaano karaming bagay ang nami-miss nila dahil lang sa mindset na “pangit daw” o dahil nakikiuso sa opinion ng iba, Parang may crab mentality na rin na kapag may nagsabing hindi maganda, susunod na agad kahit hindi naman nila sariling experience. Tapos ang usual excuses ay, “Wala akong pera,” “Busy ako,” o “Wala akong time.” And that's completely understandable-hindi naman lahat may budget or opportunity para manood. Pero mapapansin mo, kapag Avengers, Spider-Man, at iba pang sikat na blockbuster movies, nakakahanap naman sila ng paraan para manood, lalo na kapag trending at lahat ng tao pinag-uusapan. Hindi naman sinasabi na huwag nilang panoorin yung mga gusto nila. Of course, watch whatever you enjoy. Pero ang point ko lang is, sana bigyan din natin ng chance ang mga pelikulang tungkol sa atin at gawa para maipakita ang sariling kultura at stories natin. Kasi ang Forgotten Island ay may connection sa Pilipinas. Once in a blue moon na nga lang tayo magkaroon ng pelikulang may ganitong Filipino representation, tapos huhusgahan agad ng iba kahit hindi pa nila napapanood. Hindi ko naman sinasabing kailangan magustuhan ng lahat ang movie. Valid naman na may mga taong hindi talaga nagustuhan ito after watching it. Pero sana, panoorin muna bago humusga. At least, sariling opinion mo na iyon-hindi dahil sinabi lang ng ibang tao na pangit. Support foreign movies if you want, support blockbuster movies if you want-but sana kapag may movie na tungkol sa atin, bigyan din natin ng pagkakataon. 🇵🇭❤️At Isa pa napaka Worth it!! Hindi kayo magsisi promise ❣️
2026-09-27 13:33:04