@soverainne: unang anibersaryo ng pakikibaka sa #bahasaluneta — 9/21/25 looking back, hindi ko talaga alam kung saan ko hinugot ‘yung tapang ko last year para makibaka kasama ang mga nasa laylayan. siguro hiniram ko lang ‘yung tapang ng mga nasa laylayan. naging matapang ako dahil sa kanila, at siguro dahil parte rin ako ng mga taong araw-araw kailangang lumaban para lang marinig. naalala ko pa ‘yung sampung taong inaya ko sana. the night before the rally, excited pa kami at parang sure na pupunta kami. pero kinabukasan, halos sabay-sabay nilang sinabi na hindi na sila makakatuloy. may hindi pinayagan ng magulang, may naging anxious, at may kanya-kanyang dahilan kung bakit hindi na nila kinaya pumunta. and honestly, naiintindihan ko naman. malaking bagay din talaga pumunta sa isang rally, lalo na kung hindi ka sanay sa ganitong situation. ako rin naman, hindi rin ako sure kung makakapunta ako. hindi rin ako pinayagan ng magulang ko, at sakto rin na gender reveal day ng ate ko para sa first baby niya. kaya buong araw akong nag-iisip kung pupunta ba talaga ako o hindi. sinabi ko pa kay mama na nahihilo ako at hindi ako makakasama sa gender reveal. after that, ligo agad, bihis, tapos let’s just say… sibat agad nung nakaalis na sila. 😭 takot na takot ako. hindi ako marunong mag-commute nang maayos, hindi ako street-smart, medyo lutang ako sa directions, at honestly hindi rin ako marunong tumawid nang maayos sa crossing 😭 pero pumunta pa rin ako. pagdating ko sa luneta, mag-isa akong nakaupo sa damuhan habang kumakain ng potato corner na binili ko pa sa vmall monumento. hindi ako umupo ron dahil gutom at pagod na pagkarating, pero dahil hindi ko alam saan magsisimula, wala akong kakilala kahit isa, hindi ko alam kung saan ang start lane ng rally. may isang babae na umupo sa tabi ko at ilang beses kong napansin na nakatingin sa’kin. akala ko kung una, scammer. yun pala, mag-isa rin siya. siya si tita fe. single mom, dating assistant ng isang bigating lawyer na hindi ko na babanggitin for privacy purposes, at bumyahe pa pa-luneta galing cavite para makiisa. mula noon, hindi na ako mag-isa. kasama ko siyang naglakad sa luneta habang naririnig namin ‘yung sigaw ng mga nasa laylayan. mga taong sumisigaw ng hustisya, mga taong walang pamasahe pauwi, mga taong napilitang bumili ng payong dahil biglang umulan. nagkwentuhan kami habang naglalakad. kapag pagod, stop muna. kumain sa 7-eleven. tapos tinuruan ko pa siyang gumawa ng iced coffee kahit tiktok lang din naman ang nagturo sa’kin kung paano 😭 hanggang sa makarating kami sa last station ng rally sa mendiola. inaya niya pa akong kumain sa mcdo after dispersal, pero at that time binoboycott ko ang mcdo dahil sa palestine. kailangan ko na rin umuwi kasi gumagabi na. hindi ako pinabayaan ni tita fe. honestly, isa siya sa mga dahilan kung bakit ko na-survive ‘yung araw na ‘yon. isang taon na ang lumipas, pero sobrang vivid pa rin sa’kin ng araw na ‘yon. naalala ko kung gaano ako katakot. kung gaano ako ka-awkward mag-commute na nauwi sa moveit din. kung gaano ako ka-lost. pero pumunta pa rin ako. siguro ‘yun talaga ang tapang. hindi ‘yung hindi ka natatakot. ‘yung takot ka na nga pero sige, alis pa rin. laban pa rin. at minsan pala ang kailangan mo lang ay isang stranger na uupo sa tabi mo sa damuhan at sasabihing, “samahan kita.” naalala ko pa pagkatapos i-announce na dispersal na sa mendiola, may mga putok pa rin ng baril na naririnig. sobrang kabado ako nun, lol. one year later, sana mas marami pang managot. sana mas marami pang makulong kung mapapatunayang may pananagutan sila. isang tao pa lang ang nakakulong, pero hanggang ngayon, parang ang layo-layo pa rin ng hustisyang hinihingi ng mga taong naapektuhan. hindi dapat isang tao lang ang managot kung marami ang may pananagutan. sana walang makalusot dahil lang makapangyarihan. sana hindi matapos sa isang pangalan ang laban para sa hustisya. #BahaSaLuneta #TrillionPesoMarch #MartialLaw

Rainne
Rainne
Open In TikTok:
Region: PH
Monday 21 September 2026 08:51:50 GMT
82588
21935
129
2622

Music

Download

Comments

i_zumi10
ni_kss :
palitan ang GRADING SYSTEM,na-prepresure na kami oh😭🙌
2026-09-21 10:05:55
1687
ajaygrandisgonzal
$𝓐𝓙𝓐𝓨 𝓖𝓡𝓐𝓝𝓓$ ⛎ :
Ibaba ang presyo ng fishball!!!
2026-09-21 11:23:44
853
rainkhaizer8
K' :
wag naman sana dumihan ang lugar 🥺
2026-09-21 10:41:07
629
jaiiczon
Migsss :
can i put this on my storyy
2026-09-21 11:09:40
6
vinxxvx
v!nx_ :
I feel useless
2026-09-21 09:31:11
42
sotchichisot_
tatine 🐣 :
salamat sa pag tindig at pakiki-baka! ✨✊🏻
2026-09-21 09:51:15
372
cesar_lopez_iv
Cesar lang :
wait LAST YEAR? Bat ang bilis ng oras😭
2026-09-21 12:08:12
78
castle2085
fntanyl :
purpose of glorious
2026-09-21 12:07:56
5
captain.saveahoe70
captain saveahoe :
grabe 1 year napala noh
2026-09-21 13:20:26
32
ishi2863
ishei 𐙚 :
Salamat po sa walang sawang pakikipag laban at pagboboses sa hinaing nating lahat, naway protektahan po kayo ni god🙏🥹
2026-09-21 13:42:44
34
soverainne
Rainne :
Here’s me and the stranger that I met, Tita Fe.🤍
2026-09-21 15:31:58
5
kth.wb
@_@ :
Bat namn nag spray paint
2026-09-21 12:02:04
10
7.9813
jaja :
pagpupugay, ate rainne, tita fe, at sa masang tumindig at patuloy na tumitindig! 🔻✊
2026-09-21 10:58:27
14
itsmeronaldigop
RONALD_IGOP😎🦖🏎️🏍️💶💂🏼‍♂️ :
you can't change history in the books but the people who live at that time and witness... never...
2026-09-21 13:04:27
10
fred991010
Sith Trooper :
Philippines has so much more potential 😭
2026-09-21 14:29:08
7
baewankoo
c :
Ang pakikibaka ay siyang tunay na kapangyarihan ng masa. Ngunit, ang pangit i-paglaban ang ating inang bayan kung tayo mismo ang si-sira nito. Hindi dapat pag tuunan ng pansin ang pag-ayos ng mga nasira/nababoy na ‘straktura. Wag nating hayaan na tutulong din tayo sa pag-baboy sating paligid. Ito ay hingil sa ilang komentong tila ba nabubulag din sa kung ano ang tama at mali. Walang mali sa pakikibaka, ang mali ay ang pag sira sa lipunan na meron tayo. We cant fight for good governance when we can’t be good citizens.
2026-09-21 15:06:24
6
caramel_mochi5
elaa :
https://vt.tiktok.com/ZSqTsnYTd/
2026-09-21 10:30:57
2
mrimmatakeyouout
Natnat :
Sarap talaga mahalin ng bansa natin especially pag ganito tayo eh. Nagtutulungan para sa karapatan at kinabukasan na nararapat para sa atin
2026-09-21 14:14:58
7
rapido154
RAN :
I want to join🥺✨
2026-09-21 10:49:10
5
bobthefootboler
LAPIS LAZULI :
SALAMAT SA BOSES NINYO. I SALUTE YOU ALL ACTIVISTS 🫡🫡
2026-09-21 12:17:14
4
biiscocho0
☆ :
thank u mga anak ng bayan 🥹
2026-09-21 15:30:10
3
peezzied
Peezzied :
patuloy lang sa protesta. ganito nag sisimula ang pagbabago. nabasa ko na to
2026-09-21 16:48:37
1
thereal_menchase
J. :
2026-09-21 10:46:12
1
godmode365
Rhian stretch :
2026-09-21 11:25:55
1
ajaygrandisgonzal
$𝓐𝓙𝓐𝓨 𝓖𝓡𝓐𝓝𝓓$ ⛎ :
Go lng paglaban natin yan lahat!!!!!
2026-09-21 11:23:14
3
To see more videos from user @soverainne, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About