@dsedrium: Hindi ko gustong isipin na sapat nang malaman ko ang paborito mong pagkain, ang mga kantang paulit-ulit mong pinapakinggan, o ang mga bagay na nagpapangiti sa’yo para masabi kong kilala na kita. Gusto kong malaman kung bakit may mga araw na bigla kang nananahimik. Kung anong alaala ang ayaw mong balikan. Kung anong mga salita ang mas malalim ang tama sa’yo kaysa sa inaakala ng iba. Kung ano ang iniisip mo sa mga gabing hindi mo kayang sabihin kahit kanino. Hindi dahil kailangan kong malaman ang bawat sulok ng pagkatao mo, kundi dahil ayokong mahalin lamang ang bahaging madali mong ipakita. Siguro ganoon ko nakikita ang pagmamahal. Hindi lamang ito paghanga sa taong nakikita ko sa harapan ko. Kasama rito ang pagnanais na makilala pati ang taong lumalabas kapag wala nang kailangang patunayan. At kung may mga bagay kang hindi kayang sabihin, sana magkaroon ka ng sapat na kapanatagan para sabihin ang mga iyon sa akin. Hindi kita mamadaliin. Makikinig ako. Sapagkat kung iibig ako, ayokong kilala lamang kita sa mga bagay na sinabi mo. Gusto kitang makilala pati sa mga bagay na matagal mong hinintay bago mo tuluyang maibahagi. #poetry #tagalogpoetry #yearontiktok #fyp

av
av
Open In TikTok:
Region: PH
Tuesday 22 September 2026 02:19:03 GMT
387488
69973
205
8055

Music

Download

Comments

yuuuuuuuuuuuriiiiiiii
yuri. :
ang sayang umibig, at ibigin ding pabalik
2026-09-22 13:40:32
2002
cjnoke
Jn :
nawa'y makahanap tayong lahat ng taong kayang sisirin at languyin ang kalaliman ng ating kaisipan. :)
2026-09-23 12:47:34
1005
_currlytop
M :
Kay ganda ng wikang pilipino ✨
2026-09-23 03:09:05
613
071027m
￴ ￴ ￴ ￴ ￴ ￴ ￴ ￴￴ ￴ ￴￴ ￴￴ ￴ :
at kung hindi man ganitong pag-ibig ang nakalaan para sa akin, mas pipiliin ko na lamang ang mapag-isa kaysa makunteto sa isang pagmamahal na hindi kayang abutin ang lalim ng puso ko.
2026-09-23 01:30:27
282
dsedrium
av :
maraming salamat po sainyong lahat!
2026-09-22 13:18:18
180
_limcarl21
carlllll :
Ang tunay na pag ibig o umibig ay di nag hahangad ng kahit na anong kapalit kahit gaano mo pa ito kamahal
2026-09-23 08:34:10
159
angela.michll
Michelle :
for some, they might find this cringey but this is how deep love means
2026-09-23 12:52:18
56
k_sylvia
K :
oh for someone to think of me this way☹️
2026-09-22 21:07:42
102
slmnorkbnt
RUTO :
because to be loved is to be known...
2026-09-23 08:19:41
35
_calieko
Jersey :
To love is to know the soul behind the silence ❤️‍🩹
2026-09-23 22:07:32
10
manh_e_ater
yiruemna :
masarap magmahal ng may malalim na dahilan.
2026-09-23 10:58:28
17
nanununtokngotnisotnis
h a l i :
ang tunay na pag ibig ay wala sa labas na anyo ng minamahal mo, kundi nasa loob looban niya na hindi niya kayang sabihin sa iyo. Ang pagkilala mo sa taong iyong iniibig ang syang din pagkilala mo ng buong buo sa kung ano ang ang nasa likod at nakatago sa katawan niya, hindi mo makikilala ng tunay ang taong iniibig mo kung ang minamahal mo lang sakaniya ay ang nakikita mo — Hindi yung mga naka ukit sakaniya na pinipilit niyang itago sa kahit kanino.
2026-09-23 10:10:42
20
yande.gallego
yande gallego :
(si mama lang nakkaagawa nyan sakin)
2026-09-29 12:45:41
4
wllm_3st
wllm__ :
i love ur quote
2026-09-23 10:45:09
6
milky.blueberryyy
️Solace :
napaka lalim niyo mga ginoo at binibini
2026-09-23 10:54:29
8
ichanxkh
chrxtian :
Gusto kong sisirin ang pinakailalim ng pagkatao mo—hindi upang baguhin ang mga bahaging nais mong ikubli, kundi upang maunawaan ka nang lubos, lalo na sa mga araw na katahimikan ang siyang himig mo.
2026-09-23 11:11:10
12
panda_coco17
panda :
Sa panahon na ito, pansin ko’y labis-labis na naghihirap ang mga taong hanapin ang tunay na hangad ng isang tao. Akala nila’y kinakailangan nilang abutin ang yaman, talino, o di’ kaya’y ang kakayahang pantayan ang kanilang pamantayan—subalit, karamihan ay tila’y litong-lito kung ano nga ba ang hangad natin, isang hangad na ang ninanais lamang ay ang makita ang sarili— sarili na kahit tayo’y di’ natin magalugad.
2026-09-23 11:55:37
7
yournotsocoolhuman
N :
Napakaganda naman ng pagkakasulat.
2026-09-22 07:31:46
23
nad_abbas8991
𝐷𝑎𝑛𝑠𝑎𝑏𝑏𝑎♋ :
Ako'y natutuwa magbasa ng mga komento, lumalabas ang pagiging Pilipino. Nawa'y mapanatili natin ang ating sariling wika.
2026-09-24 13:15:35
7
licelrey10
@LReyOng :
hirap naman makausad 🥺
2026-09-22 13:21:03
15
aye_mey
aiee :
galingg
2026-09-22 13:22:31
5
princessmaesobier
♡ :
Pilit kung hinangad na kilalahanin siya dahil mahal ko siya at tatanggapin ko kung ano nakaraan niya, ngunit sadiyang mapaglaro ang tadhana hindi maiwasan ang tukso sa palibot niya mas ginusto niyang huwag makuntento sa isa:)
2026-09-23 04:46:59
10
aussineo
milk :
he hates that
2026-09-23 04:07:28
5
jas1w17
Santi :
mas maganda siguro subukan kung anong sagot nya o manatili na lang na what if habambuhay aray ko po
2026-09-22 14:38:20
5
To see more videos from user @dsedrium, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About