@m4gister1: “SINO ANG MAY LIABILITY, SHAREHOLDER O IKALAWANG PANGULO?” Tinanong ni Presiding Officer Chiz Escudero ang SEC lawyer na si Gerardo Del Rosario kung sino ang may pananagutan kung hindi lumalabas ang pangalan ng isang inaangking shareholder sa mga dokumentong isinumite sa SEC. Ayon kay Del Rosario, ang pamunuan ng korporasyon ang may pananagutan dahil sila ang naghahain ng mga report sa SEC, hindi ang ikalawang pangulo. Nilinaw din ni Escudero na kung may usapin man sa deklarasyon sa SALN, hiwalay ito sa usapin ng kumpanya. #VPSARADUTERTE #ImpeachmentTrial #ChizEscudero #PhilippinePolitics #fyp