@titaeda: 🔴 SENIOR CITIZENS, MAG-INGAT! ⚠️ May babala ang NCSC laban sa mga taong nagpapanggap na government employees para makapanloko ng senior citizens. Ayon sa NCSC, may mga naiulat na insidente sa Cebu at Aklan kung saan ilang senior citizens ang naloko at nawalan ng pera at iba pang ari-arian. ❌ HUWAG ibigay ang ATM card ❌ HUWAG ibigay ang PIN o password ❌ HUWAG ibigay ang OTP ❌ HUWAG magbigay ng pera para raw sa “release” ng ayuda ❌ HUWAG basta magbigay ng personal information ❌ HUWAG mag-click ng kahina-hinalang link ✅ Huminto muna. Mag-verify. Kumonsulta sa pamilya. Kung may lumapit sa inyong senior citizen at sinabing may government assistance, i-check muna kung legit ang programa at kung authorized talaga ang taong kausap ninyo. 📢 I-SHARE ITO sa inyong mga magulang, lolo, lola at senior citizen friends! Baka isang share lang ang kailangan para may mailigtas kang senior citizen mula sa scam. ❤️ 📌 SOURCE: National Commission of Senior Citizens (NCSC) — official Facebook post. #NCSC #SeniorCitizenPH #SeniorCitizens #titaeda #ScamAlert