HerMajesty 🌸 :
“Do good, be kind, cause everything will ALWAYS come back to you in ways you can never expect” andami ko nang experience na napatunayan to ✨ The most recent one was what happened yesterday, nagbili ako ng Jollibee after school. May nakita akong bata sa labas, kanina pa ata nakatingin at nanghihingi sa mga tao. So I ordered 1 Chicken Joy for him na may drinks. Tas nung binigay ko sakanya ang food, naiiyak sya kase sabi nya birthday ng kapatid nya ngayon at gusto nya daw maka try ng chicken sa Jollibee. May mga nagbibigay daw ng ₱1, ₱5, at ₱10 sakanya pero kulang pa daw para pambili. Nung nalaman ko yun, binigay ko nalang pati yung inorder kong para sakin, chicken na may spaghetti at ice cream. Nanghihinayang ako pagkatapos kase nagcrave kase ako ng ice cream buong araw tas yun nalang last money ko for the day aside sa pamasahe pauwi. Masakit na nakakapanghinayang pero sge lang, baka bukas makakabili ako ng ice cream. Nung pauwi na ako, grabe ang siksikan ng mga tao sa bus at jeep kase rush hour na. Nag wait ako ng isang oras para makasakay pero wala talaga. Tas tumingin ako sa taas sabi ko “Lord, gusto ko na umuwi, masakit na paa ko, gutom na ako, pagod na pagod na ako. Help me Lord 😭” tas alam nyo, grabe talaga ang epekto ng prayers. Bigla ba namang may tumigil sa harap ko na lalaking nakamotor, vlogger daw sya na nagbibigay ng free rides. At first, natakot ako kase baka scam or masama ang balak, pero nung binigay nya yung page nya, nakita ko 500k followers tas may camera sa motor nya. Natawa nlng ako kase hindi ko inexpect na mag 1-ride lang ako pauwi instead of 3-rides tas wala pa akong babayaran. Grabe ang thank you ko kay Lord nun. Tas nung pag uwi ko samin, nagluto yung partner ko ng crispy chicken, tas sabi nya pa “Bumili ako ng isang gallon ng ice cream kanina, alam ko kaseng nag ca-crave ka nyan buong araw”. Grabe, parang naiiyak ako na hindi ako alam. Yung binigay ko bumalik sakin ng X2. Grabe, grabe talaga ang power ng kabutihan.
2026-09-26 03:55:56