@bloggerngbayan: MAS MALAPIT AT MAS MAAYOS NA SERBISYONG PANGKALUSUGAN PARA SA EASTERN SAMAR! Hindi na kailangang bumiyahe nang malayo ang mga residente ng Guiuan, Eastern Samar at mga karatig-lugar para makakuha ng de-kalidad at abot-kayang serbisyong medikal. Muling binuksan ang Felipe Abrigo Memorial Hospital (FAMH) matapos itong masira ng Bagyong Yolanda noong 2013. Sa muling pagtatayo nito, nilagyan ang ospital ng mga makabagong pasilidad at kagamitang medikal, kabilang ang Emergency Room, Operating Rooms, mga ward, at Dental Clinic. Personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang bagong tayong ospital bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga Pilipino. Inaasahang ganap na magbubukas ang FAMH sa Oktubre 8, 2026, upang mas maraming residente, lalo na mula sa mga liblib at malalayong komunidad, ang magkaroon ng mas mabilis at komprehensibong access sa pangangalagang medikal. Serbisyong pangkalusugan, inilalapit sa bawat Pilipino. #PBBM #BagongPilipinas #PBBMmayMALASAKIT #MarcosLegacy #viraltiktok
Blogger ng Bayan
Region: PH
Friday 25 September 2026 18:16:53 GMT
Music
Download
Comments
Marilou Palonpon :
yn angkinin nman yn ng mga dds🤣🤣
2026-09-25 18:27:10
1
To see more videos from user @bloggerngbayan, please go to the Tikwm
homepage.