:
I lost my sister this september, and everytime na naririnig ko to parang may mabigat na bato na naka patong sa dibdib ko, naaalala ko lahat lahat, ang kabaitan niya, ang tawa niya, ang boses niya, ang presensya niya, at bigla ko na realized na wala na pala talaga siya. siya lang yung naging takbuhan ko, ang safe place ko kapag may problema ako, malungkot, pagod, o kahit masaya. diko inexpect na mararanasan namin to, akala ko tatanda kaming magkakasama, pero bakit parang ngayon pakiramdam ko wala na akong matakbuhan, kinakausap ko nalang siya, at iniisip ko naririnig ba talaga niya ako, o kaya magkikita pa ba talaga kami ulit sa langit? magiging ate ko pa kaya siya sa susunod na buhay? parang ang ikli ng taon na pinag samahan namin, di pa ako nakaka bawi sa kanya sa lahat ng kabutihan niya, pakiramdam ko bangungot lang ito, sana nga bangungot lang ito. kasi siya lang ang may paborito sakin, siya lang nakaka intindi sakin, siya lang ang umaalalay sakin. sa pagkawala niya parang sinama niya na rin yung kalahating buhay ko. sobrang sakit pero diko mailabas, gusto ko siyang makita ulit kahit sa panaginip nalang. kausapin niya sana ako, sabihin niya yung gusto niyang sabihin sakin. gusto ko siyang mayakap kahit sa panaginip nalang.
2026-10-09 07:20:36